Naalimpungatan ako nang marinig ang pag-iyak ni Athena. Hindi ko alam kung ilang minuto na siyang umiiyak, pero kakaiba ang tono niyon, hindi iyon ang karaniwang iyak niya kapag nagugutom siya. Naisip kong baka kinabag na naman siya dahil napakasensitibo talaga ng tiyan ng batang iyon, lalo pa't matakaw rin. Kung hindi aawatin sa gatas ay hindi titigil.Bahagya akong bumangon para abutin ang cellphone sa bedside table at tingnan ang oras. Alas tres na ng madaling araw. Ganitong oras talaga madalas nagigising si Athena. Akmang bababa na ako ng kama para puntahan siya nang biglang magmulat si Tyler at hawakan ang aking kamay.Napalingon ako sa kaniya."Where are you going?" namumungay pa ang mga matang tanong niya. "Hindi pa umaga, love.""Pupuntahan ko si Athena. Umiiyak siya. Baka masakit ang tiyan niya," sagot ko habang nagmamadaling tatayo sana."Naroon naman si Nana Selya. Alam na niya ang gagawin niya," untag ni Tyler."Pero kahit na... hindi ako mapakali. Gusto ko pa rin siyang p
続きを読む