27 Tulalang nakatingin si Ayla sa papalayong ambulansya. Sa narinig niyang sinabi ni Sophia kanina, hindi na siya nag-atubiling magpumilit pang sumama. Kahit alam niya sa sarili na may kasalanan siya sa nangyari. ‘Mag-asawa na pala kayo, bakit ka pa bumabalik sa akin Lawrence?’ hindi niya mapigilang tanong sa sarili. "Are you okay?" puno ng pag-aalalang tanong ni Fiyero. Mapait na ngumiti si Ayla at tumango. Kahit ang totoo ay magulo ang isip niya sa mga nangyayari. Sa ngayon, gusto na lang niyang umuwi. "Come on, let's get you home," aya ni Fiyero sa kanya. Sinundan niya ito sa parking lot. Nakita niya ang mga kaibigang naghihintay sa kanila. "Ayos ka lang, girl?" puno ng pag-aalalang salubong ni Ysa. "Oo, okay lang," mahina niyang sagot. Gusto mang magtanong ni Ysa kung ano ang nangyari, alam niyang hindi rin iyon sasagutin ng kaibigan. Halatang hindi pa ito nakaka-recover. Kinuha niya ang bag na nakasukbit sa balikat ni Ysa. "Happy Birthday na lang, Kian," ani niya sa
Magbasa pa