Pinili kong hindi sumagot dahil pakiramdam ko magkakainitan kami. Natutulog si Nancy at ayokong magising siya na nag-aaway kami ni Alaric.Pinilit kong tumayo sa kabilang bahagi ng kama kahit nanghihina pa ang katawan ko. Gusto kong umuwi kay Brea, pero naiisip ko si Nancy at baka hanapin ako paggising niya.Tahimik akong lumabas ng kwarto at iniwna doon si Alaric. Dumiretso ako sa kusina, uminom ng tubig para mahimasmasan, para maibsan ang pananakit ng lalamunan ko."Hey," bungad ni Lora na nagkukusot ng mata. Kung hindi ako nagkakamali, siya 'yong asawa ni River. "Kamusta na pakiramdam mo? Si Alaric?""Nasa kwarto," tipid kong sagot. "Okay na ako. Medyo nanghihina pa.""Naku, ba't lumabas ka? Si Alaric nasaan? Dapat nagpasama ka sa kanya," aniya.Umiling ako. "Hindi na kailangan, I can manage."Umiling-iling siya at sinapo ang noo ko. "Mainit ka pa. Pagkatapos mo dito uminom ka ng gamot at matulog ulit. Tulog ba si Alaric?""Gising," sagot ko. "Ayos lang talaga, Lora, kaya ko naman.
Ler mais