Nica's POVAkala ko mako-corner na naman ako ng lalaking 'yon, pero muntik na, buti at nakatakas ako. Kung hindi pa siya pinigilan no'ng Violet, hahabulin niya ako.Nagpupumilit kasing ihatid niya ako, pero ayoko. Kung nagawa niya akong pilitin kanina, malamang inaasar na niya ako ngayon.Nagbus na lang ako pauwi. Pagdating sa sa bahay, inulan ako ng sermon at tanong ni Brea. Nakalimutan ko tumawag sa kanya at alalang-alala. Pero ang mas nagpagulat sa akin, nagtext daw sa kanya si Alaric, pero late na raw niyang nabasa.“Si Nancy?” tanong ko pagkatapos kong kumain ng almusal. “Pumasok na ba?”“Oo, pero nagtatampo yata sa'yo,” si Brea. Natigilan naman ako. “Bakit daw palagi kang busy? Bakit daw late ka palagi umuuwi? Hindi na raw kayo nakakapagbonding, at si Ashi, tinatanong din niya.”Natahimik ako. Mula no'ng malaman ni Ashi 'yong tungkol sa amin ni Alaric, hindi na siya nagparamdam sa akin. Hinayaan ko lang din kasi alam kong kailangan niya ng space para makapag-isip.“Kakausapin ko
Read more