Sebastian's POVKatatapos lamang ng online conference meeting namin kasama ang mga foreign investors.Mahigit dalawang oras din akong nakaupo sa meeting room sa opisina ko kasama ang buong executive team. Sunod-sunod ang presentasyon, financial projections, at negotiations.Pagod na pagod ako.At sa totoo lang, ang tanging nasa isip ko lamang kanina ay matapos ang meeting dahil gusto ko ng makita ang asawa ko, Baka sakaling maabutan ko pa siyang kumakain ng lunch.Kanina bago siya bumaba para pumunta sa cafeteria sinigurado muna niyang may pagkain ako, inayos pa niya 'yun at nilagay sa coffee table. Ilang beses din niya akong kinulit bago magsimula ang meeting."Don't skip lunch.""Kakain ka on time.""Naka-ready na ang pagkain mo."Napailing ako nang maalala iyon.Hindi ko alam kung kailan nagsimula, pero nasanay na akong naririnig ang mga paalala niya. Nasanay na rin akong makita siyang nag-aayos ng pagkain ko.Nasanay na akong hinahanap siya minu-minuto, hindi na ako sanay na wa
Magbasa pa