Sabado na naman.At gaya ng nakasanayan, bonding day naming tatlo nila Giovanna at Bernadeth.Matapos ang halos dalawang oras na pagkain, kwentuhan, at walang katapusang tsismisan sa paborito naming café, nakasandal na lamang kami sa aming mga upuan habang nagre-relax.“Girl,” biglang sambit ni Bernadeth habang nakatingin sa akin. “Sigurado ka bang okay lang sa asawa mo na umalis ka ulit at sumama sa amin?”Napakunot-noo ako. “Huh? Of course.”“I mean,” nagkibit-balikat siya, “halos every Saturday ka nang lumalabas kasama namin. Baka naman may sama na ng loob 'yon dahil inaagaw namin sa kanya ang day off mo. Dapat bebe time n'yo, you know.”Agad namang tumango si Giovanna bilang pagsang-ayon.“Oo nga. Kung ako ang asawa mo, magtatampo na ako.”Napailing ako at natawa sa kanilang dalawa. Kung alam lang nila kung paano ako ipagtabuyan ni Sebastian na lumabas kasama sila.“OA niyo. Oo naman, okay lang kay Sebastian. Sa tingin n'yo ba kung hindi okay sa kanya, nandito ako ngayon sa harap
Read more