Nang tuluyan kong maisaayos ang schedule ni Sebastian para sa araw na ito, agad akong tumayo, hawak ang tablet ko, saka naglakad patungo sa pinto ng opisina niya. Huminga muna ako nang malalim bago marahang kumatok.“Come in,” sagot niya.Dahan-dahan kong binuksan ang pinto saka pumasok sa loob. Agad kong nakita si Sebastian na nakaupo sa kanyang swivel chair, nakasuot ng kanyang eyeglasses habang may binabasang dokumento. Naglakad ako palapit sa kaniyang mesa.“Here is your schedule for today,” panimula ko habang inilalapag ang tablet sa ibabaw ng mesa niya. “You have a general assessment with the operations team at ten, followed by a budget review meeting.”Dahan-dahang iniangat ni Sebastian ang tingin mula sa binabasa niyang dokumento saka kinuha ang tablet.“Then by one in the afternoon, we have a scheduled site visit at the new Montemayor Prime Estate project.” pagpapatuloy ko.Tahimik siyang tumango habang binabasa ang schedule niya.“Who else will be joining the site visit?”B
Magbasa pa