Kung noon iyon, malamang nakangiti pang sasabihin ng lola niya, “Pasaway na bata, lola ako ni Kate, hindi ba’t lola mo na rin ako?”Noong mga panahong iyon, kahit alam ng matanda na may problema sa pagsasama nilang dalawa, pilit pa rin siyang umaasa na balang araw ay matututo ring mahalin ni Vincent si Kate katulad ng lalim ng pagmamahal na ibinibigay rito ng apo niya. Naniniwala siyang walang pusong hindi natutunaw. Basta’t totoo at taos-puso kang magmahal, darating din ang araw na makikita at nararamdaman iyon ng taong mahal mo.Pero ngayon, hindi na niya kayang lokohin ang sarili niya. Hindi masaya ang kanyang apo, ramdam niya yun. Kahit gaano pa ito ngumiti sa harap niya, kahit gaano pa ito magkunwaring maayos lang ang lahat, kilalang-kilala niya ang batang pinalaki niya mula pagkabata. Alam niya kung alin ang totoong ngiti at alin ang pilit lang. Lalo nang alam niya kung may tinatagoo…Alam niya kung kailan tahimik lang si Kate dahil ayaw nitong mag-alala siya, at alam niya rin ku
Read more