Pagkalabas na pagkalabas ng mukha ni Lola sa screen, agad itong ngumiti ng napakalawak. Nang makita nang malinaw kung sino ang mga kasama sa tumatawag, laking gulat at tuwa ng matanda. “Naku! Magkasama pala kayong dalawa?”“Opo, Lola. Tita actually came all the way here just to visit me,” nakangiting sagot ni Kate. Sa harap ng kanyang Lola at Tita, nararamdaman niyang pwede uli siyang maging isang musmos na bata, isang batang malayang maglambing ng walang takot na mapag-iwanan.“Cathy, tingnan mo nga ang batang 'yan. Kamusta siya? Pumayat ba? Palagi niyang sinasabing maayos lang daw siya, pero pakiramdam ko talaga niloloko lang ako ng apo ko!” nakangiting sabi ni Lola habang dinidikit pa ang mukha sa screen ng phone.Matagal na pinagmasdan ni Cathy si Kate. Kahit na nahihirapan pa rin itong maglakad at medyo payat, bakas sa buong katawan nito ang sigla at panibagong buhay. Kaya naman nakatatawang nag-report si Tita sa kanyang ina, “Ma, don't worry, she's doing completely fine. Kung bit
Read More