“Oo.” Tahimik na sagot ni Kate, tila wala na ring gana pang magpaliwanag.Isang hakbang ang inilapit ni Vincent, bigla siyang napalapit, sobrang lapit na kitang-kita na niya ang mga pinong guhit ng pagod sa paligid ng mga mata nito.Sabi nga nila, thirty is the age of stability.Pero si Vincent, wala pa sa trenta, may bakas na ng pagod ng mga taon.“Kate…” Hinawakan niya ang balikat ng babae.. May banayad na halimuyak ng pabango mula sa kanya. “Sa mga taon na ito… hindi ba kita inalagaan ng maayos?” tanong niya.Habang sinasabi niya iyon, hindi na niya maitago ang pagod, nasa pagitan ng nakakunot na noo at sa nangingitim na ilalim ng kanyang mga mata.Marahang napabuntong-hininga si Kate.Oo. Aaminin niya, ginawa ni Vincent ang lahat ng kaya niya para alagaan siya. Sa pagkain, sa gamit, sa tirahan, sa pera. Pati sa kanyang lola at pamilya, never siyang nagdalawang-isip gumastos. All out. Walang reklamo.Pero Vincent…Ang ganitong klase ng “kabutihan” mo, mas gugustuhin ko pa noong una p
Read More