SYEMPRE, hindi niya pwedeng sabihin ang mga salitang ’yon ng diretso.Kapag sinabi niya, siguradong magwawala ang mga magulang niya, chaos level, at lalo lang pahihirapan ang pag-alis niya rito.Muling nagsimulang mangaral na naman ang kanyang ina, paulit-ulit na parang sirang plaka.“Ikaw talaga, five years na kayong kasal. Kailan ka ba matututo? Bilisan mo na at magkaanak kayo ng manugang ko ng isang lalaki! Para maitali mo siya. Kung ikaw ayaw mong manganak, marami diyan sa labas na willing magbigay ng anak sa kanya. Bakit ang tanga-tanga mo? Sinasabi ko sa’yo, kung this year hindi ka pa rin buntis, huwag ka nang bumalik dito,” bulalas pa nito sa kanya. “Makinig ka nga at sa totoo lang, wala ka ng silbi. Huwag kang umasa na aalagaan mo kami pagtanda namin. Ang tanging magagawa mo na lang sa buhay na ito ay hawakan ng mahigpit ang manugang ko. Kahit hindi mo isipin ang sarili mo, isipin mo naman kami! Ano ng mangyayari sa akin at sa tatay mo pagtanda namin? Sa kapatid mo, ano?” dagd
Read More