"Hindi naman, wala akong masyadong alam sa tsaa," sagot ni Barry para makiusap sa usapan. "Mas mahilig ako sa kape.""Ah, ganun ba?" sagot ni Mattheus habang seryosong umiinom.Doon na nagpatuloy si Barry sa pagkukwento. "Pero pagdating sa tsaa, ssina Vincent at Norman ang eksperto. Lalo na ang sikat na tea, paboritong-paborito 'yun ni Vincent..."Pero habang binabanggit niya 'yun, bigla siyang natauhan. Napasulyap siya kay Helena, na masama ang tingin sa kanya na para bang gusto na siyang patayin sa talim ng mga mata nito.Nag-panic si Barry. "Ibig kong sabihin... eh, 'yung paboritong tsaa lang naman ng green tea—ay este, ng green tea bilang inumin, ha!"Natawa nng pagak si Helena. "Green tea? Bagay na bagay nga sa kanila 'yun."Napalunok si Barry at tumahimik na lang. Kahit si Vincent na nakaupo sa tabi ay lalong humigpit ang hawak sa tasa. Madilim at namumutla ang mukha nito.Para basagin ang awkward na hangin, si Darius na walang kamalay-malay sa isyu ay masayang nagpaliwanag tungk
Read more