Alam ng lola kung gaano ka responsable at katalino ang apo nito, kaya lang ay malas ito sa mga magulang na walang ibang ginawa kundi ang mangibang-bayan at iwanan ito nang walang pakialam. Buti na lang at nandito siya para gabayan ito kahit papaano. Kaya lang, mahina na ang katawan niya at hindi niya alam kung hanggang kailan siya tatagal. Kung gayon, bakit pa niya pipigilan ang apo sa mga pangarap nito?Ang gusto na lang niya ay makita itong ligtas, may kasamang nagmamahal, at masayang bubuo ng pamilya hanggang sa pagtanda.Nakatingin pa rin ang lola ng may ngiti sa labi, kahit medyo lumalabo na ang paningin nito."Lola, alagaan niyo po ang kalusugan niyo. Pagdating ng araw, dadalhin ko kayo sa Maynila para mamasyal," determinadong pangako ni Vincent."Sige, excited na ako dyan," nakangiting sagot ng lola. Hindi na nito sinabi sa apo na lumalala na ang nararamdaman nito at tinatago lang ang medical results.Walang kamalay-malay si Vincent; masaya itong nakipag kwentuhan pa sandali bag
اقرأ المزيد