Mabigat ang hangin sa sala, parang wala nang puwang para sa kahit ano kundi sigawan. Mabagal ang tunog ng orasan sa dingding, tila walang pakialam sa gulong nangyayari. Nakatayo si Mirabel malapit sa sofa, nakalaylay ang buhok sa balikat, basa ng luha ang mukha. Si Philip naman ay nakatayo sa tabi ng center table, mabigat ang paghinga, nakatigas ang panga at halatang umuumbok ang ugat sa leeg.“May iba ka, hindi ba?” nanginginig pero matalim ang boses ni Mirabel. “Umamin ka na. Hanggang kailan ka magsisinungaling? Secretary mo ang kabit mo, diba?”Hinagod ni Philip ang buhok niya, kumikislap sa inis ang mga mata, mas mabilis ang paghinga.“Pagod na pagod na ako sa mga paratang mo, Mirabel,” mababa at matalim niyang sagot. “You’ve lost it. Wala ka na sa katinuan.”“Huwag mo akong tawaging baliw!” sigaw niya, parang salaming nabasag ang tunog. “Hindi ako baliw. Pinapalitan mo ako, alam ko! Ramdam ko. Nagbago ka na sa akin. Pati si Locklan, napapabayaan mo na!”Pumikit si Philip sand
Read more