Pumasok si Locklan sa sariling kwarto at malakas na isinara ang pinto. Inihagis niya ang mga damit sa kama, pati ang cellphone sa ibabaw nito, at dumiretso sa banyo. Binuksan niya ang shower at pinaagos ang gripo. Bumuhos ang mainit na tubig sa mga balikat niya, dumaloy pababa sa likod, at sandaling tinabunan ang lahat ng ingay sa paligid, ang kwarto, ang bahay, ang buong mundo.Ipinatong niya ang palad sa malamig na marmol na pader at yumuko. Huminga siya nang malalim, parang naghahanap ng hangin sa lugar na kulang sa oxygen. Biglang pumasok sa isip niya ang mukha ni Eloise, ang mapilit na tingin, ang tanong na tumama sa kanya, ang nanginginig na labi, at ang pakiramdam ng katawan nitong parang nakadikit pa rin sa kanya.“Locklan… what do you feel for me?”Parang muling umalingawngaw ang mga salitang iyon. Pumikit siya habang patuloy ang pagbuhos ng tubig sa ulo niya, mabigat sa talukap ang patak. Nakaigting ang panga niya.“Hindi ka mawawalan ng control, Locklan,” mahina niyang b
Read more