Isang linggo na ang lumipas, pero para kay Eloise, bawat araw ay parang isang chapter ng nobelang hindi naman siya ang may akda. Mula nang pumirma siya sa kontrata, parang anino na laging nandiyan si Locklan sa bawat parte ng buhay niya. Dumarating ito sa kumpanya tuwing tapos na ang trabaho, sinusundo siya para mag-dinner, dinadala siya sa suite kung saan ito naka-check in, at minsan naman ay bumibisita sa mansyon nila. May mga pagkakataon pang may halikan para mas maging kapani-paniwala ang lahat.Sa paningin ng iba, para silang tunay na magkasintahan. Sweet, bagay, at mukhang seryoso. Sa social media, nagsimula nang lumabas ang mga larawan ng magkahawak-kamay, mga ngiting tila walang problema, at simpleng caption na “a new beginning.” Ipinapakita iyon ni Angela sa mga kaibigan niya na may halong yabang at saya. Si Francis naman ay mas kampante na ang itsura, at pati si Orion ay pabirong nagsasabi na tama ang napili ng kapatid niya.Pero sa loob ni Eloise, pakiramdam niya ay nasasa
Read more