Sa mansyon ng pamilya Herrera, nakaupo si Felix sa kanyang malaking upuan sa dulo ng hapag-kainan. Kahit halata na ang edad at ang sakit na unti-unting kumakain sa lakas niya, tuwid pa rin ang tindig niya. Ang mga mata niya ay matalim pa rin, parang kayang kontrolin ang buong silid. Sa tabi niya, si Amelia, ang asawa niya, tahimik na nagmamasid. Kita sa mukha nito ang pag-aalala sa kalagayan ng matanda.Sa kabilang bahagi ng mesa, si Philip, ang anak ni Felix, at ang asawa nitong si Hazel, na madrasta ni Locklan, ay palihim na nagkakatinginan.Nang makaupo na ang lahat, itinaas ni Felix ang baso ng alak. Pero hindi siya nag-toast. Sa halip, nagsalita siya, mabigat at diretso ang boses.“Para sa magiging apo ko sa tuhod,” anunsyo niya. “Kailangang magpakasal agad si Locklan.”Si Amelia ang unang umalma. Bahagya siyang yumuko, halatang nahihirapan.“Felix, hindi mo puwedeng pilitin ang apo natin,” mahinahon niyang sabi, pero may lungkot sa tinig. “May karapatan siyang pumili para sa
Ler mais