"Sigurado ka ba na makabubuti para sa kompanya ang desisyong ito?" tanong ni Agatha kay Daniel nang ipinakita sa kaniya ng lalaki ang isang proposal na ipinasa sa kanilang opisina. "I mean, we can develop this model, pero hindi ako sigurado kung magkakaroon tayo ng financial gain dito.""Walang masama kung susugal tayo, lalo na at promising naman ang proposal," sagot ni Daniel."I know, but offering free IT services sa small businesses nang wala tayong nakukuhang compensation is a bit risky," sabi ni Agatha. "I heard some companies did it pero nauwi lang iyon sa pagkalugi.""Of course, hindi naman natin hahayaan na malugi lang tayo basta-basta," saad ni Daniel sa dating asawa. "Proposal pa lang naman ito, we still need the prototype bago tayo magbigay ng go signal sa kanila."Isang malalim na hininga ang pinakawalan ni Agatha. Naiintindihan niya ang gustong mangyari ng lalaki, pero hindi siya sigurado kung malakas din ba ang loob niya tulad nito na sumugal sa isang proyekto kung sakal
Last Updated : 2026-05-21 Read more