Home / Romance / LOVE RETURNS WHEN SEPARATED / CHAPTER TWENTY-FIVE: SMALL STEPS

Share

CHAPTER TWENTY-FIVE: SMALL STEPS

Author: Lovina Alice
last update publish date: 2026-05-12 17:12:04

Tulad ng ipinangako ni Daniel, nagpakita siya nang maaga kay Agatha sa bahay nito nang sumunod na araw. Siniguro niya na hindi ito makapupunta sa office nang hindi niya naihahatid.

"Ano ang ginagawa mo rito?" tanong ni Agatha sa pag-aakalang hindi na pupunta ang lalaki nang araw na iyon.

"Hindi ba ang sabi ko sa iyo ay susunduin kita?" tanong pabalik ni Daniel. "Tinutupad ko lang ang sinabi ko kagabi."

"Hindi ko kailangan ng sundo, ang kailangan ko ay makatutulong sa akin sa office," saad ni Ag
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • LOVE RETURNS WHEN SEPARATED   CHAPTER TWENTY-FIVE: SMALL STEPS

    Tulad ng ipinangako ni Daniel, nagpakita siya nang maaga kay Agatha sa bahay nito nang sumunod na araw. Siniguro niya na hindi ito makapupunta sa office nang hindi niya naihahatid."Ano ang ginagawa mo rito?" tanong ni Agatha sa pag-aakalang hindi na pupunta ang lalaki nang araw na iyon."Hindi ba ang sabi ko sa iyo ay susunduin kita?" tanong pabalik ni Daniel. "Tinutupad ko lang ang sinabi ko kagabi.""Hindi ko kailangan ng sundo, ang kailangan ko ay makatutulong sa akin sa office," saad ni Agatha sa lalaki. "I need someone to manage the company lalo na at tambak pa ang trabahong naiwan ko.""So ang sinasabi mo ba ay kailangan mo na ang tulong ko?" tanong ni Daniel sa dating asawa.Isang seryoso't inis na tingin ang ibinigay ni Agatha sa lalaki, "Alam mo na kung ano ang sagot.""As long as hindi ka aalis bilang CEO ay babalik ako at tutulungan kita sa trabaho," sabi ni Daniel in a suggestive tone.Isang malalim na hininga ang pinakawalan ni Agatha. Sa tingin niya ay wala na siyang ka

  • LOVE RETURNS WHEN SEPARATED   CHAPTER TWENTY-FIVE: BACK TO SQUARE ONE

    Nangunot na lang ang noo ni Darius nang nakita niyang inihatid ni Daniel ang anak niyang si Agatha sa bahay. Hindi niya iyon inaasahan dahil sa pagkakaalam niya ay hindi naman sila magkasundo. Sinalubong niya kaagad ang kaniyang anak sa pintuan nang sandaling iyon upang alamin kung ano ang nagaganap sa pagitan nilang dalawa."Sunduin kita bukas nang umaga, huwag mo nang dalhin ang kotse mo," iyon pa ang narinig na bilin ni Daniel kay Agatha."Bahala ka, basta kapag nainip ako ay hindi na kita hihintayin pa," sabi ni Agatha sa lalaki. "Kaya ko namang pumasok nang walang sumusundo sa akin."Magsasalita pa sana si Daniel nang napansin niya si Darius na hinihintay na si Agatha sa pintuan. Hindi siya nakapagsalita kaagad dahil ipinaramdam ng mas nakatatandang lalaki na hindi nito nagugustuhan ang nakikita nito."Salamat sa paghatid sa aking anak," sabi ni Darius sa isang malamig na tinig. "Umuwi ka na at baka hinahanap ka na rin ni Gavin.""Sige po, Uncle," magalang na sabi ni Daniel. "Mau

  • LOVE RETURNS WHEN SEPARATED   CHAPTER TWENTY-FOUR: PROPOSED SHARED RESPONSIBILITY

    "Babalik lang ako sa company bilang CEO kung papayag ka na magiging CEO ka pa rin," sabi ni Daniel kay Agatha nang minsang bumisita siya sa dating asawa.Nangunot ang noo ni Agatha sa narinig, "I am sorry pero hindi ako sigurado kung tama ba ang naririnig ko o mali lang ako ng pagkakaintindi.""Tama ang narinig mo," sabi ni Daniel. "I want us to share the position dahil deserving ka sa authority na mayroon ka.""But that is odd," sagot ni Agatha. "Wala pa akong narinig na company or corporation na dalawa ang umaaktong CEO. Hindi puwede ang sinasabi mo at malaki ang chance na magkaroon ng power struggle sa pagitan nating dalawa.""We can make it happen kung gugustuhin mo rin," sambit ni Daniel sa babae. "Gusto kong bumawi sa iyo at ito ang paraang naiisip ko."Isang malalim na hininga ang pinakawalan ni Agatha nang sandaling iyon, "Sigurado ka ba sa gusto mong mangyari? Alalahanin mo, mas malaki ang negative effect nito kaysa sa positive effect kung sakali.""Sigurado ako sa gusto kong

  • LOVE RETURNS WHEN SEPARATED   CHAPTER TWENTY-THREE: DANIEL'S RETURN

    Mabilis na lumipas ang mga araw at buwan nang hindi namamalayan ni Agatha. Naging busy siya sa kaniyang trabaho bilang CEO lalo na at hindi pa rin nagpapakita si Daniel sa kaniyang kumpanya. Sa ngayon ay gamay na niya ang trabaho at wala na siyang pakialam kung may mga pagkakataong lagi siyang overtime sa trabaho. Sa dami ba naman ng files na dapat niyang basahin ay hindi sapat ang isang buong araw para sa kaniya. Isang gabi, habang busy siya sa kaniyang trabaho ay hindi niya namalayan na may isang lalaki na pumasok sa kaniyang opisina. "Saan ko ilalagay ang iced americano mo?" tanong ng lalaki sa kaniya. Hindi na nag-angat ng paningin si Agatha sa pag-aakalang ibang tao ang kasama niya nang sandaling iyon, "Pakilagay na lang diyan sa mesa ang coffee. Magkano nga pala ang babayaran ko?" "Hindi mo na iyan kailangang bayaran," sagot ng lalaki na nagpakunot sa noo ni Agatha. "Sagot ko na ang kape mo dahil masipag ka." "Excuse me, hindi ako --" Hindi nagawang ituloy ni Agatha

  • LOVE RETURNS WHEN SEPARATED   CHAPTER TWENTY-TWO: NEW LEADERSHIP

    Hindi inaasahan ni Gavin na muli siyang kakausapin ni Darius tungkol sa sitwasyon, but this time, sa kaniya ibinibigay ng lalaki ang leadership sa kanilang company. Ang buong akala niya ay tatanggapin ng kaniyang manugang ang posisyong iniwan ng asawa nito. "Agatha finds it awkward to accept the leadership lalo na at lantad na sa publiko ang tunay nilang estado," sabi ni Darius sa kaibigan. "Ayaw niyang isipin ng ibang tao na sinadya niya ang pagbaba ni Daniel mula sa puwesto." Isang malalim na hininga ang pinakawalan ni Gavin, "I am already past my retirment age para kunin pa ulit ang pagiging CEO. I mean, we need young blood na puwedeng makipagsabayan sa modern trends para hindi mahuli ang company sa advancements." "But Agatha does not like it lalo na at magiging awkward para sa kaniya ang lahat," sabi ni Darius. "It seems like nagkaroon ng epekto sa kaniya ang apology na kusang binanggit ni Daniel sa kaniya." "Well, guilty ang aking anak sa nangyari sa apo natin," sagot ni

  • LOVE RETURNS WHEN SEPARATED   CHAPTER TWENTY-ONE: STEPPING DOWN

    Literal na nagulat si Agatha nang sumunod na araw ay mugto ang mata ni Daniel nang nagpakita ito sa kaniya. Nangunot pa ang kaniyang noo nang may napansin siya sa kamay ng nasabing lalaki. Bago pa man siya makapagtanong ay nagawa na siyang unahan ng lalaki. "This is my resignation letter na ipapasa ko sa board of directors," sabi ni Daniel sa isang seryosong tinig. "I will step down from my position at ibibigay ko na iyon dahil naniniwala akong mas kaya mo ang trabaho." Isang malalim na hininga ang pinakawalan ni Agatha, "Kung ginagawa mo ito dahil sa guilt ay tigilan mo. Hindi ko kailanman isinama sa trabaho ang personal nating hidwaan." "Pero ako ang guilty sa ginawa ko sa inyong dalawa," sabi ni Daniel sa dating asawa. "Naging makasarili ako at ang inisip ko lang ay dinaan mo ako sa pwersa noon. Ni hindi ko man lang nakita kung paano mo ako minahal noon." Napalunok si Agatha sa sinabi ni Daniel. Ngayon ay ramdam na niya ang awkwardness sa pagitan nilang dalawa ni Daniel. Is

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status