Umuwi si Maica na inis na inis sa nangyari. Hindi niya inakala na papatulan siya ni Agatha ngayong naghiwalay na silang dalawa ni Daniel. Ang buong akala niya ay tulad pa rin ng dati ang ugali nito na hindi siya papatulan kahit na ano pa ang kaniyang gawing paninira rito.“Humanda ka Agatha dahil sisiguraduhin kong mapapahiya ka kay Daniel at ibibigay na niya ang legal separation na ninanais mo,” sabi ni Maica sa kaniyang sarili habang hinahanap sa kaniyang contacts ang number ni Daniel.Ilang ring ang nakalipas at sinagot ni Daniel ang kaniyang tawag, “Kumusta ang iyong shopping, love?”Ginamit agad ni Maica ang kaniyang luha upang maalarma si Daniel. Tulad nang kaniyang inaasahan, naging concerned ang boses nito sa kaniya.“What happened, love?” tanong ni Daniel sa dalaga. “Inaway ka ba ni Papa?”“No, walang kinalaman si Uncle Gavin sa pag-iyak ko,” sagot ni Maica na mas nilakasan pa ang pag-iyak nang sandaling iyon.“Then tell me what happened,” sabi agad ni Daniel. “Just calm down
Dernière mise à jour : 2026-03-19 Read More