-Ava-“Just the usual, Manang.” Ngumiti ako. “Kung hindi man siya makauwi, pwede namang itabi ang pagkain at initin na lang kapag dumating siya.”“Sige po, Ma’am.” Alanganin ang ngiti na tugon niya. “May nakahanda na pong almusal sa baba. Pwede na po kayong kumain.”“Okay.” sagot ko at tuluyan na siyang lumabas ng kwarto.Hindi pa naman ako nagugutom kaya hindi muna ako bumaba. Sa halip, naupo ako sa sofa at binuksan ang laptop ko.Kahit nasa bahay ako, ayokong mapabayaan ang mga responsibilidad ko sa kumpanya. Lalo na ngayon na marami akong kailangang asikasuhin at ilang meetings na rin ang naka-schedule sa mga susunod na araw.Agad kong chineck ang calendar ko at isa-isang sinuri ang mga upcoming meetings, appointments, at mga importanteng bagay na kailangan kong paghandaan.May ilang documents din na kailangan kong pirmahan, kaya agad kong binuksan ang email ko at nag-message sa personal assistant ko.Sinabi ko sa kanya na ipadala na lamang dito sa bahay ang lahat ng dokumentong ka
Baca selengkapnya