-Ava-So, ito na pala si Ella noong lumaki. Ganito pala ang itsura niya, ibang-iba noong una at huli ko siyang nakita. Kunsabagay, mga bata pa naman kami noon.Pero habang nakatitig ako sa kanyang mga mata, iisa lang ang taong nakikita ko. Kilalang-kilala ko ang babaeng ito.Kahit magpalit pa siya ng mukha, kahit baguhin niya ang buhok niya, boses niya, kilos niya, at pananamit niya, hinding-hindi niya mababago ang paraan ng pagtitig niya sa akin.Dahil ang mga mata niya, pareho pa rin. Si Ada. Sino pa ba?Napatingin ako sa kanyang mukha. Nasunog ang mukha niya, kaya pinalitan niya ito ng mukha ni Ella.Magaling. Napakagaling.Hindi ko alam kung paano niya nagawa ang lahat ng ito, pero isang bagay ang sigurado ako. Hindi niya ito nagawa nang mag-isa.Kailangan niya ng pera, at kailangan niya ng koneksyon.Kailangan niya ng taong may sapat na kapangyarihan para maitago siya, mabigyan siya ng bagong pagkakakilanlan, at higit sa lahat, maibigay sa kanya ang mukha ng isang taong matagal n
اقرأ المزيد