-Ava-“Alam mo, Ada,” sabi ko habang nakahalukipkip, “hindi rin talaga kita maintindihan eh. Sabi mo, bata pa lang kayo, mahal mo na si Daniel. Ang sabi mo, siya ang gusto mong mapangasawa balang araw at hindi ka magmamahal ng ibang lalake. Pero bakit sa iba mo binigay ang puri mo at hindi sa kanya?”Natahimik siya habang nakatitig sa akin nang may luha sa kanyang mga mata. Gusto kong maawa sa kanya, pero wala na akong natitirang pagmamahal pa ra sa kanya. Pagkatapos ng lahat ng ginawa niya sa akin.“Kung hindi ka sana kumati agad at nagpadala sa tawag ng laman, eh di baka ikaw pa rin ang asawa ni Daniel ngayon.” huminga ako nang malalim. “Kung sa kanya mo binigay ang first time mo, baka ikaw ang minahal niya sa halip na ako.”Pero sa totoo lang, alam kong hindi ganoon kasimple ang sinabi ko. Hindi naman natuturuan ang puso kung sino ang dapat nitong mahalin. At kahit anong gawin ni Ada, hindi niya mababago ang isang bagay. Matagal na akong minahal ni Daniel, bata pa lang kami.“You
Baca selengkapnya