Pagpunta ni Martin sa ospital ay dinatnan niya doon sila Lorna, lara at Anthony. Inaalo-alo ng mga ito si Sophia dahil masakit ang sugat nito kaya nag-iiyak ito.Lumapit din s'ya at inalo ito. "Pia, nandito na si daddy. Huwag kang matakot, poprotektahan kita." "Matin... ha ko, wit!" (Martin, kinuha ako ng witch.) Ani ng umiiyak na si Sophia. May pagtatakang bumaling si Martin kay Rita. Naitutop ni Rita ang labi dahil hindi n'ya alam kung paano sasabihin ang kahulugan ng sinabi ng bata. "Um, magpapahangin muna ako sa labas." Ani ng salaring si Lara na siyang nagtuturo ng kung anu-ano sa bata. "Pia, anong gusto mo? Gusto mo ba ng fish para hindi na masakit ang sugat mo?"Nagningning ang mga mata ng bata, tila bigla nitong nakalimutan ang sakit ng tahi n'ya, agad itong tumango-tango. Natawa na lang sila Lorna at Rita. Ngumiti si Martin at hinalikan ang anak sa noo. "Sige; sandali lang, ha, maghahanap lang si
Last Updated : 2026-05-05 Read more