"Martin, ayos ka lang?" Tanong ni Rita sa kulimlim ang mukha na si Martin. Nakaalis na si timothée dahil bigla itong tinawagan sa ina-applayan niyang trabaho. "Rita, totoo ba na nanliligaw ang timothée na yun sayo?" "Um. Oo" tila nag-aalangan at nahihiya pang sagot ni Rita. "Bakit ka pumayag? Rita, may anak ka na, may anak tayo." Nagtaka si Rita. "Oo, may anak nga tayo, pero ano naman ang kinalaman nun sa pagkakaroon ko ng karelasyon? Ako pa rin naman ang ina ni Sophia, a?" "Pero... Hindi! Hindi tama. Hindi ka dapat makipagrelasyon sa iba, mali, e." "Anong mali?" Bumakas ang yamot sa mukha ni Rita. "Ikaw nga may asawa, e. Ako, magbo-boyfriend lang, bawal?" Natigilan si Martin, at hindi nakaimik. "Diyan ka na nga. Sige na, mag-aasikaso pa ako ng hapunan namin." Hindi na n'ya hinintay pang magsalita si Martin, nilayasan na n'ya ito. "Um, r-rita..." Gusto sanang kapalan ni Martin an
Last Updated : 2026-05-03 Read more