"Ano?! E, teka lang, Martin... alam mo namang galit na galit sa akin ang mommy mo, hindi ba, kaya paano naman ako makakapunta diyan?" Ani Rita nang imbitahan ito ng dating nobyo para sa kaarawan ng lola nito."Wala kang dapat ikabahala dahil si lola naman ang nagpapapunta sayo, kaya kahit anong tutol nila mommy at Matina ay wala din silang magagawa.""Ganun ba, pero hindi ba parang nakakailang yun?" Pag-aalangan ni Rita."Huwag mo na lang silang pansinin pagdating mo dito, hindi mo naman sila kailangan batiin, e. Si lola na lang ang tingnan mo. Magagawa mo ba siyang tiisin? Ang dinig ko nanay Andeng ay naging mabait daw sayo si lola.""Oo na. Sige na, pumapayag na ako. Huwag mo na akong kunsensyahin." Nagtawa si Martin sa kabilang linya. "Rita, siya nga pala, ang totoo, kaya ka gustong makita ni lola ay dahil sinabi ko sa kanya ang tungkol kay Sophia. Pero huwag kang mag-alala, kakampi natin siya, kaya siguradong hindi n'ya iyon sasabi
Last Updated : 2026-04-17 Read more