Finding Love Again

Finding Love Again

last updateDernière mise à jour : 2026-03-17
Par:  Airam AneléMis à jour à l'instant
Langue: Filipino
goodnovel16goodnovel
Notes insuffisantes
5Chapitres
1Vues
Lire
Ajouter dans ma bibliothèque

Share:  

Report
Overview
Catalog
Scanner le code pour lire sur l'application

Isang pag-ibig na hindi inaasahan ang darating kay Rita, nang lumuwas s'ya pa-maynila, para mamasukan bilang isang katulong. Hindi n'ya akalaing magkakaroon s'ya ng relasyon sa amo niyang si Martin. Nang lumalim na ang pag-ibig nila sa isa't-isa ay inakala niyang magiging masaya na sila, ngunit isang trahedya ang magpapabago sa kapalaran nila: makakalimot si Martin. Dahil sa isang aksidente na nagdulot ng amnesia kay Martin ay malilimutan n'ya ang lahat ng pinagsamahan at ang mga magagandang alaala n'ya kaya Rita. Sa sulsol at sa mga paninira ng mga tao sa paligid n'ya ay masusuya s'ya dito at itatakwil ito, ngunit isang supling ang muling mag-uugnay sa kanilang dalawa. Sa pagkakataong ito, mahahanap na kaya ni Martin ang daan patungo sa naudlot niyang pag-ibig kay Rita?

Voir plus

Chapitre 1

Chapter 1

"Kakanin! Kakanin kayo diyan!" sigaw ni Rita. Naroon siya sa labas ng isang eskuwelahan, dala ang paninda niyang mga kakanin na nakalagay sa isang basket.

"Ate, may suman?" tanong ng isang babaeng estudyante.

"Meron, ilan?"

"Isa lang."

Siya si Margarita Luna, o mas kilala bilang Rita. 22 anyos, panganay sa kanilang pitong magkakapatid at naninirahan sa Ormoc. Tumigil siya sa pag-aaral para tulungan ang kanyang ina na kumita ng pera, at dahil lahat ng anim niyang mga kapatid na iba-iba ang ama ay pawang mga nag-aaral na.

"Nariyan ka na pala, Nay. Maganda po ang naging benta ko kaya namalengke ako para masarap-sarap naman ang hapunan natin. Tatawagin ko lang po ang mga kapatid ko," ani Rita.

"Mamaya mo na sila tawagin. Makinig ka muna, may importante akong sasabihin sa iyo," saway ni Lydia. "Mag-ayos ka at magpaganda mamayang gabi; sasama ka sa akin doon sa bar."

Nag-iba ang disposisyon ni Rita, naunawaan agad niya kung ano na naman ang pinaplano ng kanyang ina. "Iyan po ba ang importanteng sasabihin ninyo?"

Nang makita ang kanyang reaksyon, kumunot ang noo ni Lydia. "Anong klaseng mukha yan? Hoy, Rita, ayus-ayusin mo ang sarili mo mamaya, ha? Huwag kang magpapakita ng ganyan kay Mr. Torres mamaya."

"Nay, pipilitin n'yo na naman ba akong magtrabaho doon sa bar?"

"Hindi naman kita pinipilit magtrabaho doon, a? Sasamahan mo lang naman si Mr. Torres. Bakit ba takot na takot ka, hindi ka naman kakainin nun? Akala mo ba ay kagandahan ka para mag-inarte nang ganyan? Mabuti nga't may nagkakainteres pa sa iyo, e."

Nakaramdam ng pagpupuyos si Rita. "Bakit parang siguradong-sigurado kayo na wala ngang gagawin sa akin ang matandang 'yun? Paano kung may mangyari sa akin, maibabalik pa ba ng pagsisisi n'yo ang lahat? Ang hirap po kasi sa inyo, pagkita lang ng pera ang mahalaga sa inyo, wala kayong pakialam kahit mapariwara ako!"

PAK!

Matapos iyon sabihin ni Rita, ay nasundan iyon ng isang matunog na sampal mula kay Lydia. "Huwag na huwag mo akong pagsasalitaan nang ganyan!"

Natigilan ang dalawa nang biglang dumating si Anthony galing sa eskuwelahan. Grade 12 na ito. "Anong nangyayari dito?"

Nang makitang nakasapo ang kanyang ate sa sariling pisngi nito, naunawaan niya ang nangyari. "Nay, sinasaktan n'yo na naman ba si Ate? Ano na naman ba ang problema n'yo?"

"Ayan! Kaya ganyan ang babaeng 'yan; kasi naman, kinakampihan mo! Bakit, para saan ba ang lahat ng ginagawa ko, para naman sa inyong magkakapatid, a! Tapos, parang lumalabas na ako pa ang masama dito?" panghuhuramentado ni Lydia.

Tinanong ni Anthony ang kanyang ate kung ano ang nangyari.

"Si Nanay kasi, e, ibinibugaw na naman niya ako sa kung sinong matanda doon sa bar." Dahil sa sama ng loob, ay hayagang isinumbong ni Rita si Lydia.

Sumama ang mukha ni Anthony. "Totoo ba 'yun, Nay? Ibinubugaw n'yo na naman si Ate?"

"Anong ibinibugaw? Hindi pambubugaw yun, ha. Ang kailangan lang naman niyang gawin ay sumama kay Mr. Torres, makikipakuwentuhan lang naman siya, e; kung painumin siya, edi uminom siya. Ganun lang naman ang gagawin—"

"Ganun lang?" sabat ni Anthony; makikita ang galit sa mukha nito. "Para namang hindi n'yo alam kung ano ang kalakaran sa bar na pinagtatrabahuhan n'yo. Huwag n'yong sabihin na hindi n'yo alam kung saan dinadala ng mga kustomer doon ang mga babaeng itine-table nila. Tapos, gusto n'yong.... hindi ba kayo nag-iisip, ha, Nay? Anak n'yo rin si ate, pero bakit parang kayo pa ata ang gustong sumira sa buhay niya?"

"Hoy, Anton, magdahan-dahan ka ng pagsasalita mo sa akin, ha? Akala mo ba ay porke hinahayaan lang kita na sagut-sagutin ako ay puwede mo na akong bastusin nang ganyan? Baka nakakalimutan mong, ina mo ako?!" Sa mga anak ay kay Anthony lang tumitiklop si Lydia, bagaman nasa 17 taong gulang pa lamang ito. Ito ay dahil sa maagang edad ay nagpapakita na agad ang binatilyo ng pagiging responsable, may pagka-istrikto din ito at kung umasta ito ay parang ito ang kanilang padre de familia. "Saka, dapat lang na sumunod sa akin itong Ate mo, no? Dahil siya ang panganay. Makabayad man lang siya sa akin sa pagbibigay ko ng buhay sa kanya, kaya maano bang tulungan niya ako?"

"Pero hindi tama na ipinatutulakan n'yo siya sa kung sinu-sino, at lalong hindi tama na ibugaw n'yo siya!"

"Hindi nga pambubugaw 'yun, e!" sigaw ni Lydia.

"Hindi, e, ano ang tawag n'yo sa ginagawa n'yo, sige nga?"

"Anton... Tama na." awat ni Rita nang makitang painit na nang painit ang pagtatalo ng kanyang ina't kapatid, tila anumang oras ay susugurin na ng mga ito ang isa't-isa.

Hindi na ipinilit ni Lydia ang kanyang gusto dahil siguradong hindi din siya magtatagumpay na mapasunod si Rita lalo't nandoon si Anton; iisip na lang muna siya ng paraan para magawa ang kanyang plano.

...........

Makalipas lang ang ilang araw, hindi akalain ni Rita na uulit ang kanyang ina:

"Maraming salamat po, Mr. Torres!...."

Natigilan si Rita nang marinig na may kausap sa kwarto ang kanyang ina. Kakatukin niya sana ito para ayain nang mananghalian.

"Opo, binilang ko po yung pera, kumpleto naman po. Sige po, mamaya... Opo, opo, maraming salamat po. Magsama na lang po kayo ng mga tauhan n'yo para hindi siya makapalag."

Biglang nakaramdam ng takot si Rita nang marinig ang huling sinabi ng ina. Hindi na niya ito tinawag; agad siyang nagpunta sa ninang Lorna niya para magpatulong.

Nagalit si Lorna at ang anak nito na si Lara. "Ma, sumusobra na talaga si Tita Lydia. Aba, dapat inirereport na natin siya."

"Pero, Lara, ayoko naman makulong si Nanay, paano naman ang mga kapatid ko?"

"Sino ba ang kausap ng Nanay mo at bakit parang malakas ata ang loob ng taong iyon na mamuwersa ng tao?" iritableng tanong ni Lorna.

"Si Mr. Torres po."

Nang marinig ito ni Lorna, ay nakaramdam ito ng pag-aalala dahil kilala si Mr. Torres bilang maimpluwensya at may malakas na kapit sa pulisya, kaya nagagawa nito ang kanyang gusto. "Rita, makinig ka, baka hindi na kita matulungan sa pagkakataong ito."

"A-ano po? E, Ninang, ano po ang gagawin ko? Ayoko pong sumama sa matandang 'yun!"

"Alam ko, kaya ganito ang gagawin natin, sandali lang..." Pumasok sa kuwarto si Lorna; paglabas ay may dala na itong pera. "Ito ang lahat ng ipon ko." Inilagay niya iyon sa kamay ni Rita. "Kunin mo na'ng lahat yan at magpunta ka sa Maynila. Hanapin mo doon ang tiyahin kong si Andeng, namamasukan siya bilang katulong sa isang mayamang pamilya doon. Sabihin mo na ako ang nagpapunta sa'yo, sabihin mo ang nangyari sa'yo dito at magpatulong ka."

Nagluha ang mga mata ni Rita. Sa lahat ng naitulong ni Lorna sa kanya mula noong sanggol pa lamang siya hanggang sa mga oras na iyon, ay hindi niya alam kung paano pa siya makakabayad ng utang na loob dito. "Ninang, maraming salamat po. Sana talaga ay kayo na lang ang naging ina ko."

Hindi na umuwi si Rita para mag-impake ng kanyang mga damit, ipinag-impake na lamang siya ng ilang pirasong damit ni Lara para may maisuot siya pagdating sa Maynila.

"O sige na, anak, mag-iingat ka pagdating mo sa Maynila, ha? Heto'ng cellphone, lumang modelo na yan pero gumagana pa naman yan. Huwag mong kalilimutang tumawag kapag naroon ka na, ha?" mangiyak-ngiyak na bilin ni Lorna.

"Bestfriend..." Lumapit si Lara at niyakap si Rita. Bukod sa pagiging magkaibigan, ay parang magkapatid na rin ang mga ito. "Ingatan mo sana ang sarili mo doon."

Nang patungo na sa pinto si Rita, ay natigilan sila nang biglang marinig si Lydia sa labas, "Rita! Nariyan ka ba?" malakas nitong tawag.

"Naku, Rita, ang Nanay mo!"

Déplier
Chapitre suivant
Télécharger

Latest chapter

Plus de chapitres

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Pas de commentaire
5
Découvrez et lisez de bons romans gratuitement
Accédez gratuitement à un grand nombre de bons romans sur GoodNovel. Téléchargez les livres que vous aimez et lisez où et quand vous voulez.
Lisez des livres gratuitement sur l'APP
Scanner le code pour lire sur l'application
DMCA.com Protection Status