"Martin, ano bang gagawin mo sa mga ito, bakit ang dami mong ipinamili? Magtatayo ka ba ng sari-sari store? Nangangalay na ang mga muscles ko, e." Angal at reklamo ni Sean. Nasa grocery store sila. "Hindi ba ang sabi mo ay gusto mong makita ang anak ko? Syempre kung pupunta tayo doon, dapat may mga pasalubong tayong dala, kaya huwag ka nang magreklamo diyan." "Pero yung bata ang pupuntahan natin, diba? E, bakit parang pangkabuhayan showcase itong mga binili natin? Dapat mga toys o kaya ay mga sweets ang mga binili mo." "Mas marunong ka pa sa akin? Mahirap daw ang buhay ngayon, diba? Kaya dapat ay praktikal din ang ipapasalubong ko." "Weh, ang sabihin mo ay yung nanay naman talaga ang pupuntahan mo kaya ganito ang mga binili mo. Kunyari ka pa." "Tumigil ka nga diyan, sinabi na ngang wala nang namamagitan sa amin ni Rita, e. Matagal na kaming tapos, at yung bata lang talaga ang pupuntahan ko."Pagkagaling sa supermarke
Last Updated : 2026-04-06 Read more