Maaliwalas ang paligid ng kubo na nakatago sa gilid ng gubat ng lupain ni Ismael, malayo sa ingay ng Hacienda Villegas at sa mga nangyaring gulo noong mga nakaraang araw. Dito, tanging huni ng mga ibon, kaluskos ng dahon, at mahinang agos ng batis sa malapit ang maririnig.Magaan ang hangin at malamig sa balat, sapat para pakalmahin ang isip. Parang kahit sandali, huminto ang lahat ng bigat na naiwan sa nakaraan.Sa likod ng kubo, abala si Ismael sa pagsisibak ng kahoy sa tabi ng nakasalansan na mga troso.Suot niya ang fitted na itim na t-shirt at kupas na maong. Bahagyang basa ng pawis ang tela sa dibdib at likod, lalo pang humuhubog sa matigas niyang katawan.Magulo ang alon-alon niyang buhok na hanggang leeg ang haba, tagaktak ang pawis, at may ilang hiblang tumatabing sa noo at dumidikit sa gilid ng mukha habang paulit-ulit niyang ibinababa ang palakol.Mabigat pero kontrolado ang bawat galaw niya, halatang sanay na sanay sa ganitong gawain.Sa tabi niya, paikot-ikot si Bulldog,
続きを読む