Pumasok ang sasakyan sa entrada ng Hacienda Villegas.Tahimik ang paligid. Madilim ang daan, at ang mga malalaking puno sa magkabilang gilid ay nagbibigay ng nakakatakot na anyo sa hacienda. Ilang ilaw lamang ang nakasindi sa malaking bahay.Sa backseat, magkatabi sina Mirasol at Cassandra. Nakahawak si Mirasol sa kamay nito habang si Cassandra naman ay tahimik na nakayuko, at ang isang kamay ay nakahawak sa kanyang tiyan.Huminga nang malalim si Mirasol bago nagsalita.“Marcial... ako lang naman ang kailangan mo, hindi ba?” Mahina ang boses niya, pero pilit niyang pinatatag iyon. “Pakawalan mo na si Cassandra.”Napailing si Don Marcial.“Kailangan natin si Cassandra para maisagawa ang transplant sa puso mo,” malamig nitong sagot.Napatingin si Mirasol kay Cassandra at saka muling humarap kay Marcial.“Ayoko nang mabuhay kung kapalit nito ang buhay ni Cassandra.” Mahigpit niyang hinawakan ang kamay nito. “Buntis siya, Marcial. Hindi ka ba naaawa?”“Wala akong pakialam, Mirasol.”Nanat
Read more