Sa isang saradong study room ng ancestral house—malapit sa library at wine cellar, may madilim na kahoy na interior, mabigat ang ambience, at tahimik maliban sa mahinang tikatik ng orasan sa dingding—nagtipon sina Severino, Rey, Ismael, at Indira. “Ayon sa source ko,” mahinang ulat ni Rey, “ang mga transaction ngayon ni Senyor ay konektado sa isang pribadong ospital. Posibleng pag-aari niya.” Nagkatinginan sila. “May pasyente siya roon,” dagdag pa ni Rey, “isang ginang na may malubhang sakit sa puso.” Sandaling nanlamig ang hangin sa silid. “Ibig sabihin…” mahinang singhap ni Indira, “kaya nila kailangan si Cassandra para—” Hindi niya naituloy. “Para kunin ang puso niya para sa transplant,” tuloy ni Rey, mabigat ang boses. “Dahil si Cassandra lang ang tanging match.” Mas lalo pang nanahimik ang silid. “Sina Janus at Arsenio,” pagpapatuloy ni Rey, “madalas magmanman sa bridal shop ni Cassandra sa Maynila.” Napahigpit ang hawak ni Severino sa armrest ng upuan. “Hindi na ligt
اقرأ المزيد