“Ismael… ito ba ang hinahanap niyo?” Nakangiting lumapit si Cassandra, inosente ang mukha habang itinaas ang hawak na brown envelope. “Kanino ba ’to? Selyado eh, kaya hindi ko na binuksan. Nakita ko lang sa table ko.” Sa isang iglap, nag-iba ang takbo ng pangyayari. Nagkatinginan sina Ismael at Divina. Ilang saglit na walang nagsalita. Pagkatapos— Napabuga ng hangin si Divina, napasapo sa dibdib na parang kakaligtas lang sa matinding panganib. Samantala, si Ismael— Mabilis na lumapit. Walang babala, niyakap niya si Cassandra nang mahigpit. Halos mapasubsob ito sa dibdib niya sa lakas ng pagkakayakap. “A-Ano bang nangyayari?” nagtatakang tanong ni Cassandra. Bahagyang kumunot ang noo, pero gumanti rin siya ng yakap, kahit halatang nalilito. “Ah… pasensya na, Cassandra…” singit agad ni Divina, pilit pinapakalma ang sarili. “Sa akin ’yan. Naiwan ko kanina sa lamesa mo.” Mabilis niyang kinuha ang envelope mula sa kamay ni Cassandra, bahagyang nakayuko, iwas ang tingin. “Pase
Baca selengkapnya