Sa likod ng villa, nagkukumahog ang mga tao. May kumukuha ng lubid, may tumatakbo papunta sa bakahan. Diretso si Ismael sa kwadra. Hindi na siya lumingon, pero alam niyang may kasunod siya. Pagpasok niya, agad niyang kinuha si Stallion, ang kabayo niya at mabilis na inayos ang renda. Sa kabilang stall, si Rey. Tahimik lang din, abala sa sariling kabayo. Nagkasabay silang lumabas. Sa makipot na daanan, nagbanggaan ang balikat nila. Napahinto si Ismael. Bahagya siyang lumingon. “Tumabi ka,” malamig na sabi ni Ismael. Hindi gumalaw si Rey. Tiningnan lang siya saglit, saka bahagyang ngumisi. “Hindi ako sanay umatras,” sagot niya, diretso. Humigpit ang hawak ni Ismael sa renda. “Kaya mo bang sumabay?” tanong niya, mababa ang boses. “Hindi ako sumasabay,” sagot ni Rey. “Nauuna ako lagi.” Saglit silang nagtitigan. Walang nagsalita. Parehong matigas ang mukha. Pagkatapos, pareho silang sumakay sa kabayo. Walang paalam. Walang lingunan. At sabay silang umali
Baca selengkapnya