Inirapan naman siya ni Archer bago nagsalita, “Magyabang ka na lang kapag um-oo na sa iyo si Aeris. Sa ngayon, wala ka pa sa posisyon.”Hindi naman sa gusto niyang basagin ang trip ng kaibigan, dahil nagsasabi lang siya ng katotohanan.“Kung wala kang magandang sasabihin, manahimik ka na lang. Walang matinong lumalabas sa bibig mo,” May inis na sagot ni Max, sabay babala na tumahimik na ito.Agad namang nag-akto si Archer na tila ni-zipper ang kanyang bibig.Ngunit hindi iyon tumagal. Maya-maya lang ay hindi na ito nakatiis at sumandal palapit, sabay siko kay Max. Nang tumingin ito sa kanya, sa wakas ay nagsalita si Archer, “Sige, hindi ko na pag-uusapan si Aeris. Pupunta si Aimee sa Mingjue Temple para mag-alay ng pasasalamat. Hindi ba’t sinamahan mo siya noon? Pinapatanong niya kung gusto mo ring sumama uli.”Ang Mingjue Temple ay matatagpuan sa Bundok ng silangan ng Cagayan kung saan ang usok ng insenso ay hindi titigil araw at gabi. Si Aimee ay anak ng pinsan ni Archer, ang pinaka
اقرأ المزيد