Nang marinig ang paanyaya ni Max, agad na sumagot si Aeris, “Siyempre, may oras ako. Hindi ko pwedeng sayangin ang pagod mo sa paglapit sa akin sa kanya.” Wala nang mas hihigit pa rito. Kahit pa may iba siyang plano, gagawa siya ng paraan.Sumulyap sa kanya si Max. “Sige. Susunduin ba kita mamaya o pupunta ka nang mag-isa?”“I-send mo na lang sa akin ang address,” sabi ni Aeris. “May lalakarin ako ngayong hapon, kaya baka dumeretso na ako roon.”“Sa Sea good resto pa rin,” sagot ng lalaki. “Sabihin mo lang ang pangalan mo pagdating mo. May magdadala sa iyo sa pribadong silid.”Tumango naman si Aeris, itinatanda ang bawat detalye sa kanyang isip. Hindi nagtagal, huminto ang sasakyan sa tapat ng gusali ng Montalban company. “Salamat sa paghatid,” nakangiti niyang sabi. “Mag-ingat ka sa pagmamaneho at i-text mo ako pagbalik mo.”Isang tipid na tango ang sinagot ni Max habang pinapanood itong bumaba ng sasakyan. Ilang hakbang pa lang ang nagawa ni Aeris patungo sa gusali ng—“Aeris!” Isan
اقرأ المزيد