Tila nabasa ni Max ang iniisip ni Aeris. Isang mabagal na ngiti ang sumilay sa kanyang mga labi. “Kung ganoon, magsimula tayo bilang magkaibigan.” Itinaas niya ang kanyang beer at bahagyang idinikit ito sa lata ni Aeris. “Para sa pagkakaibigan.” Iyon ang paraan niya para gumaan ang nararamdaman nito. Hindi naman sumagot si Aeris. Ngumiti lang ito at itinaas rin ang kanyang lata at uminom. Sa ilalim ng malawak na kalangitan, magkatabi silang naupo, inuubos ang isa't isang bote. Kalaunan ay hinubad ni Aeris ang kanyang sapatos at naglakad ng nakayapak sa buhangin. Medyo pasuray-suray na ang kanyang mga hakbang. Samantala tahimik naman na sumunod sa likod niya si Max, hindi ina-aalis ang tingin sa kanya. Tumalon-talon si Aeris sa dalampasigan, ang kanyang tawa ay dumadaloy sa hangin maliwanag, malaya, walang pigil. Nang marinig ang kanyang tawa, lalong lumalim ang ngiti sa mukha ni Max. Sa huli, napagod na siya. Nang hindi nag-iisip, ibinuka niya ang kanyang mga braso at humiga sa ma
اقرأ المزيد