Pagdating nila sa restaurant sa Nuvali, biglang nakaramdam ng bigat sa dibdib si Celestine. Marahil dahil kanina pa siya sa labas at hindi pa nakakauwi sa mga bata. Sandali siyang nagpaalam para pumunta sa restroom.Nang makalayo si Celestine, agad na binalingan ni Atty. Leandro Guevarra ang asawang si Floriece."Floriece, magkaibigan kayo since high school, 'di ba? Bakit ayaw mong tulungan ko siyang mag-match sa atin? Dati naman, nung gipit ang pamilya niya, ilang beses ko siyang tinulungan."Hindi nag-angat ng tingin si Floriece mula sa menu. "Alam mo namang hirap ang pamilya niya noon, kaya ano sa tingin mo ang lagay niya ngayon sa isang elite family? Tingin mo ba may say siya sa business matters? Baka pinapahiya mo lang siya.""Hindi natin malalaman kung hindi susubukan. Love, years ka na sa industry, alam mo kung paano gumagalaw ang mundo. Sa Pilipinas, connections are everything. Ang Riego Group, pinag-aagawan ng lahat ng top law firms 'yan. Kung wala tayong kapit, paano tayo ma
Leer más