"AH... 'YUNG MALIIT KO LANG NA ASO," sagot ni Leo."So... tuta?""Oo," nakangising saad ni Leo. "Makulit na tuta."Nagtawanan ang lahat dahil doon."Parang hirap kang paamuhin ang aso mo, Sir, ah?" mapaglarong saad ng isa. "Pero panigurado... spoiled ang tutang iyon."Namula ang pisngi ni Hyacinth doon. Alam naman na niya kung ano ang pinag uusapan nila, eh. Mabuti na lang at bumukas din ang elevator kalaunan. Walang salitang mabilis na lumabas si Hyacinth."Hyacinth, teka lang!" magkapanabay na sabi nila Cassie at Annika at mabilis na sumunod sa kaniya."Bagalan mo naman ng kaunti, Hya..."Sa loob ng elevator, pinanuod ni Leo ang pag alis nila Hyacinth, hindi pa rin nabubura ang ngisi sa labi nito. Hanggang sa nagvibrate bigla ang kaniyang phone. May mensaheng sinend si Mo a sa kaniya, halatang hindi na makapaghintay sa pagdating niya.Mona: ['Leo, nandito ka na ba?']Tumitig lang sa mensaheng iyon si Leo, walang mababasang ekspresyon sa mukha nito. Pero nagreply din naman siya kalau
Read more