NAPASIMANGOT si Hyacinth sa narinig. "Anong pinagsasabi mo? Pinaglalaruan kita?" tanong niya, halatang hindi makapaniwala.Umigting ang panga ni Leo. "Sino ba kasing may nagsabi sa'yo na magsuot ka ng ganito?""Ganito? Wala namang problema sa suot ko, Leo," sagot ni Hyacinth .Bumaba ang tingin ni Leo sa skirt niya. "Wala? Litaw na litaw ang hita mo! Gustong gusto mo talagang pinagpyepyestahan ng tingin iyon, 'no?"Napaismid si Hyacinth . Ang skirt niya, mismong si Annika ang pumili. Kanina, nagkaroon siya ng confidence sa mga papuri ni Annika. Sabi pa nito, maganda ang legs niya at biniro pa siya na dapat ipakita para malaman ng lahat kung sino ang may pinakamagandang legs sa buong syudad. Kaya nakakainis at nakakasama ng loob na ganito ang sinasabi ni Leo ngayon. Hindi niya maiwasang mainis dito lalo. Pero hindi rin nagpapatalo si Hyacinth . Tinaasan niya ang kilay kay Leo. "Bakit ka sobra namang apektado? Kanina ka pa ba nakatingin sa legs ko, 'no?"Nanigas si Leo, habang si Hyac
최신 업데이트 : 2026-03-22 더 보기