KABABALIK LANG NI HYACINTH sa dorm nila nang magring ang kaniyang phone. Video call pala iyon kay Cassie.Pagkasagot doon ni Hyacinth, bumungad sa kaniya ang nakangising labi ni Cassie sa screen ng phone."Hya! So, ano na? Anong nangyari? 'Yung sa kagabi... kayo ni Leo!" excited na saad pa nito at mapaglarong tumaas ang kilay.Tumawa si Hyacinth. "Kung anu anong tinatanong mo. Ikaw, bakit wala pa dito?""Winawala mo naman usapan, eh! Pero ayaw kong disturbuhin kayo ni Leo kagabi. Baka kasi maging pambansang third wheel lang ako," sagot pa nito. "Pero alam mo, Hya... talagang maganda ang ginawa ni Leo kay Mona, ah? Naisip ko tuloy, totoong gusto ka na niya. Totohanan na talaga ang peg niyo! Totoong totoo na rin ang kasal niyo kaya sana sumaya kayong magkasama habambuhay!"Hindi alam ni Hyacinth ang isasagot. Kinuha na lang niya ang candy niya at binuksan iyon. Isinubo niya kalaunan at ang minty at matamis nitong lasa ay agad kumalat sa kaniyang dila. Napangiti na lang siya."Oo na, Cas
Baca selengkapnya