LOGIN"LEO, MAGDIVORCE na tayo…” *** Ang pakikipagdivorce sa asawa ni Hyacinth Dominguez ay isang napakahirap na desisyon. Pero paulit ulit na lang siyang nasasaktan. Marami na siyang tiniis at isinakripisyo para kay Leo Cantavieja na siyang mahal na mahal niya. Kailanman ay hindi nasuklian ang pagmamahal niyang iyon. Dahil isa lang naman siyang pamalit sa kapatid niya. Hindi naman talaga dapat si Hyacinth ang pakakasalan ni Leo, pero ganoon ang nangyari sa huli dahil naglaho ang kapatid niya bigla. Akala ni Hyacinth, magiging masaya siya at mapapasaya niya rin si Leo. Pero mali siya… dahil isang substitute, plain at naturingang ‘ugly duckling’ lang siya sa paningin ni Leo. Hinding hindi niya matatapatan ang kapatid niya sa puso nito. Pero paano kung isang iglap, binura ni Hyacinth ang imahe niya bilang ugly duckling sa mga mata ng tao at ni Leo? Paano kung magbago ang ikot ng mundo bigla at si Leo naman ang naghabol bigla sa kaniya?
View More"'W-WAG..." BULONG NG pagproprotesta ni Hyacinth habang kunot ang kaniyang noo.Unti unting nagmulat ang kaniyang mga mata at ilang saglit na nag adjust iyon. Agad niyang nabungaran ang mukha ni Leo. Nagtakha pa siya pagkakita sa lalaki. Kasi... bakit siya nandito?Parang nablangko bigla ang isip ni Hyacinth dahil sa gulat sa presenya ni Leo. Ang mga mata ng lalaki ay seryoso at tila may kakaibang apoy doon ngayon na tila nagniningas. Ngayong nakikita na ni Leo na gising na gising na si Hyacinth at may bahid ng pagtatakha sa mukha nito, hindi niya maiwasang kabahan.Umuklo ulit si Leo at tinangkang hinalikan si Hyacinth. Ang kaso, bumaling na sa gilid ng babae upang umiwas. "A-Ano ba, Leo?! Anong ginagawa mo dito? Lumayo ka nga!" agad niyang asik sa lalaki."Paano ako lalayo at titigil kung... ganito ka?" malalim at maaligasgas ang boses na sagot nito.Kumunot ang noo ni Hyacinth. Magulo pa ang isip niya sa mga nangyari dahil sa lagnat. Natatandaan niyang trapped sila ni Alfred sa lug
HANGGANG SA NAPANSIN ni Leo ang tila pasa sa may bandang leeg ng babae. Agad nandilim ang kaniyang ekspresyon."Sino ang may gawa nito sa kaniya?" nakaigting ang pangang tanong ni Leo."Ang Manuel na iyon!" bulalas ni Alfred. "Mabuti na lang at nandito ka na! Halos hindi na kami makasurvive dito. Kapag hindi mo pa kami agad natagpuan baka wala ka ng aabutang buhay dito ngayon."Hinaplos ni Leo ang pisngi ni Hyacinth. Parang may kung anong paninikip sa dibdib niya ngayon habang nakatanaw sa babae. May pakiramdam siya sa loob niya na gustong protektahan na lang ito. Binuhat niya ito kalaunan sa kaniyang bisig at idinikit sa kaniyang dibdib.Binalingan ni Leo si Alfred. "Magpahinga ka muna. Aayusin natin lahat bukas," bilin niya sa kaibigan.Alam ni Leo na parehas na pagod pa rin sina Alfred at Hyacinth. Kaya kung ano man ang plano nilang umalis ngayon ay hindi epektibo. Kailangan nilang maghintay hanggang umaga.Sumang ayon naman si Alfred. Nandito na sa wakas si Leo kaya naman pakiramd
"MALAKAS DIN ANG PAKIRAMDAM ko. Nandiyan nga sila..." saad ni Leo habang pasimpleng iginagala ang tingin sa paligid, nagmamatyag."Pero bakit po kayo tumalikod agad? Suko na po kayo?""Hindi mo ba napansin ang pakikitungo nila sa 'tin?" tanong ni Leo sa mababang boses. "May mga nagmamasid din sa paligid. Mas marami sila kaysa sa atin. Teritoryo rin nila dito. Kung susubok tayo at ipipilit ang gusto, alam mo na kung anong mangyayari."Isa pang dahilan kung bakit tumalikod si Leo ay kung hawak nga ng mga taong ito sina Hyacinth at Alfred, baka gawan nila ang mga ito ng masama. Hostage nila ang dalawa ngayon. Hindi pwedeng irisk iyon ni Leo."Tumawag na po ako ng back up, Sir," saad ni Mila kalaunan.Tumango si Leo. "Good. Pero ngayon, kailangan nating makapasok sa teritoryo nila nang hindi gumagawa ng ingay."Bago pa man makasagot si Mila, may dumating biglang babae na sumalubong sa kanila."Sino kayo?" tanong ng babae.Iyon ay si Soledad Segundo, ang nakababatang kapatid nila Manuel at
MABIGAT NA NAPABUNTONG hininga si Alfred. Kinuha niya ang kumot at ipinalibot sa katawan. Maganda naman ang naging tulong ni Hyacinth. Ang kaso nga lang, habang tumatagal, talagang nilalamig na siya. Napayakap na rin siya sa sariling katawan. Namumutla na ang kaniyang labi at nanginginig sa lamig."A-Ang... lamig..." bulong pa ni Hyacinth sa gitna ng kaniyang tulog.Hindi maiwasang lumapit tuloy ni Alfred at bumulong. "Ano iyon, Hyacinth? May sinasabi ka ba?" tanong niya dahil hindi niya gaanong maintindihan ang sinabi nito kanina."M-Malamig..." sagot naman ng babae.Idinampi ni Alfred ang palad niya sa noo ni Hyacinth at tumaas pa talaga ang temperatura nito. Talagang mainit na ang balat ng babae."A-Ang l-lamig..." tila nagdedeliryong sambit muli ng babae.Hinila ni Alfred ang kumot ng babae para maibsan ang panginginig nito. Ang kaso tila wala namang naging epekto iyon. Hindi iyon napigilan ang panginginig ni Hyacinth sa lamig.Pero may isa pang natitirang option si Alfred. Iyon
"SAYANG! WALA man lang masyadong info about sa kaniya! Ano namang ibig sabihin niyang 'H' na iyan?" reklamo ni Alfred at nailing na lang."Malay ko..." walang ganang sagot lang ni Leo."Ifollow mo na lang, dude!"Nagkibit balikat lang si Leo sa sinabi ni Alfred pero kalaunan ay sinunod din naman ni
HINDI MAIWASANG magulat ni Alfred sa sinabi ni Jasmine. Kasi ang totoo niyan, isa sa mga rason kung bakit inaadmire nila si Jasmine ay dahil hindi lang siya basta mukha o pisikal na anyo lang. Matalino rin ito. At sa lahat ng mga babaeng napalapit kay Leo, ito ang pinakanababagay talaga sa kaniya.
NAPASIMANGOT si Hyacinth sa narinig. "Anong pinagsasabi mo? Pinaglalaruan kita?" tanong niya, halatang hindi makapaniwala.Umigting ang panga ni Leo. "Sino ba kasing may nagsabi sa'yo na magsuot ka ng ganito?""Ganito? Wala namang problema sa suot ko, Leo," sagot ni Hyacinth .Bumaba ang tingin ni
MATAPOS ANG maghapong pagshoshopping nila Hyacinth at Annika, dumiretso na sila sa Nocturne Bar. Talagang plinano na lahat ni Annika.Ang hindi inexpect ni Hyacinth pagkarating sa bar ay ang makita si Leo kasama ang ilang mga kaibigan nito. "Nandito pala ang soon-to-exhusband mo at mga alipores


















Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
reviews