LOGINNAISIP NI HYACINTH NA SIGURO, oras na rin nga para magkaroon siya ng sariling bahay niya talaga pero naisip niya si Cassie sa dorm. Gusto niyang makabonding pa rin naman ito kahit papaano kung kailan niya gusto.Tinanggap ni Hyacinth ang kasulatan tungkol sa titulo ng bahay. Pero bigla namang may ibinato sa kaniyang susi kalaunan si Rico."Tapos ito naman para may masakyan ka," saad ng lalaki.Susi iyon ng isang sasakyan. Na para bang wala lang halaga ang mga ibinigay ni Rico sa kaniya. Na para bang laruang bahay at kotse lang ang ibinigay sa kaniya ng lalaki.Ngumiti si Hyacinth at tinanggap din naman ang susi ng kotse. "Thanks.""Ngayong divorced ka na kay Leo, kailan mo ba balak bumalik sa amin?" kyuryusong tanong ni Rico bigla. Iyon naman kasi talaga ang rason kung bakit siya pumunta ng syudad. Para maliwanagan sa magiging sagot ni Hyacinth.Medyo naghesitate pa si Hyacinth bago sumagot. "May mga kailangan pa akong dapat na asikasuhin dito. Babalik naman ako kapag ayos na lahat."
NAPACHECK SAGLIT SI HYACINTH sa kaniyang phone. Nakita niyang may mensahe sa kaniya si Rico.Kuya Rico: ['Hya, nakabalik ka na ba?']Agad niyang nireply'an iyon.Hyacinth: ['Opo. Nakabalik na ako.']Kuya Rico: ['Sige. Magmeet up tayo, okay lang?']Hyacinth: ['Oo, Kuya. Ayos lang. Kita na lang tayo sa Golden Roots. Ang tagal ko na ring hindi nakapunta doon, eh.']Kuya Rico: ['Kaya nga. Ikaw pa naman ang mismong founder tapos hindi ka pumapasok. Haha!']MADAMI NA ANG TAO sa Golden Roots. Syempre, puro mga empleyado at mga tao ring nag iinquire tungkol sa pinakamalaking pharmaceutical company sa bansa. Nakapasok si Leo doon dahil ginamit nito ang VIP access. Kailangan niya kasing kumuha ng gamot ni Jasmine.Simula nang makabalik sila sa Manila, tila hindi na maganda ang naging pakiramdam ni Jasmine. Lagi rin itong nakadikit lagi kay Leo kaya walang choice ang lalaki dahil baka ikasama pa iyon lalo ng pakiramdam nito. Minsan sumasama na rin sina Shaina at Carla.Si Shaina ang kumuha ng p
"AT TSAKA... BAKIT HINDI ka agad nakaalis sa yate na iyon? Siguro... may ginawa ka kay Hyacinth, 'no?!" dagdag na pang aakusa pa ni Jasmine.Mabilis siyang nakapag isip ng kwento agad para mabaliktad si Alfred. Planado na niya lahat para magmukhang ang lalaki ang may kasalanan.Agad na umiling si Alfred. "Hindi ko magagawa iyon, Jasmine..." marahan pa ring wika niya sa babae."Oo na. Pero kailangan nating magkampihan, okay? 'Wag mong hahayaan na pumagitna sa atin iyang si Hyacinth."Samantala, si Hyacinth naman ay busy sa pag aayos ng mga gamit niya para makabalik na sila sa Manila. Nang okay na ang lahat, lumabas na siya at hindi sinasadyang magkabanggaan sila ni Jasmine.Halatang hinintay siya ni Jasmine. Hindi naman na nagtakha doon si Hyacinth at magtutuloy tuloy na sana sa paglalakad nang marinig niya ang babae."Hya, mabuti na lang at nakabalik kang safe. Sobrang nag alala ako sa iyo!" sabi ni Jasmine, halata namang peke.Ngumisi si Hyacinth. "Itigil mo na iyang arte mo na iyan,
TULUYAN NG PUMASOK SI LEO. Madami na ngang pagkain ang nakahanda para sa kaniya sa hapag. Patuloy lang ang pananalita ni Soledad. Naikwento na rin niyo na mayaman nga si Leo at nagmamay ari ng malaking kompaniya kaya naman nangislap na rin ang mga mata ng ama nito.Nakaupo ang ama nila sa pinakakabisera ng hapag kainan at sa kanan nito ay si Manuel na tila nahihilo. Ang nakakapagtakha kay Manuel sa mga oras na iyon ay tila wala itong matandaan sa nangyari kagabi at masakit din ang katawan nito. Napahilot tuloy siya sa batok. "Pa, parang nabugbog ako ng sobra kagabi... pero alam mo iyon... parang maganda pa rin naman ang pakiramdam ko kasi parang nakasaksi ako ng magandang dilag...""Magandang dilag ka pang nalalaman diyan, ah?" mapanuksong saad ng ama nito. "'Wag kang mag alala. Hahanapan kita ng magandang dilag para mapangasawa mo. At itong mayaman na lalaking ito ngayon..." Sumulyap ito kay Leo. "Sisiguraduhin ko na mapupunta kay Soledad...""Papa naman! Nandito si Leo, ah!" paalala
"'W-WAG..." BULONG NG pagproprotesta ni Hyacinth habang kunot ang kaniyang noo.Unti unting nagmulat ang kaniyang mga mata at ilang saglit na nag adjust iyon. Agad niyang nabungaran ang mukha ni Leo. Nagtakha pa siya pagkakita sa lalaki. Kasi... bakit siya nandito?Parang nablangko bigla ang isip ni Hyacinth dahil sa gulat sa presenya ni Leo. Ang mga mata ng lalaki ay seryoso at tila may kakaibang apoy doon ngayon na tila nagniningas. Ngayong nakikita na ni Leo na gising na gising na si Hyacinth at may bahid ng pagtatakha sa mukha nito, hindi niya maiwasang kabahan.Umuklo ulit si Leo at tinangkang hinalikan si Hyacinth. Ang kaso, bumaling na sa gilid ng babae upang umiwas. "A-Ano ba, Leo?! Anong ginagawa mo dito? Lumayo ka nga!" agad niyang asik sa lalaki."Paano ako lalayo at titigil kung... ganito ka?" malalim at maaligasgas ang boses na sagot nito.Kumunot ang noo ni Hyacinth. Magulo pa ang isip niya sa mga nangyari dahil sa lagnat. Natatandaan niyang trapped sila ni Alfred sa lug
HANGGANG SA NAPANSIN ni Leo ang tila pasa sa may bandang leeg ng babae. Agad nandilim ang kaniyang ekspresyon."Sino ang may gawa nito sa kaniya?" nakaigting ang pangang tanong ni Leo."Ang Manuel na iyon!" bulalas ni Alfred. "Mabuti na lang at nandito ka na! Halos hindi na kami makasurvive dito. Kapag hindi mo pa kami agad natagpuan baka wala ka ng aabutang buhay dito ngayon."Hinaplos ni Leo ang pisngi ni Hyacinth. Parang may kung anong paninikip sa dibdib niya ngayon habang nakatanaw sa babae. May pakiramdam siya sa loob niya na gustong protektahan na lang ito. Binuhat niya ito kalaunan sa kaniyang bisig at idinikit sa kaniyang dibdib.Binalingan ni Leo si Alfred. "Magpahinga ka muna. Aayusin natin lahat bukas," bilin niya sa kaibigan.Alam ni Leo na parehas na pagod pa rin sina Alfred at Hyacinth. Kaya kung ano man ang plano nilang umalis ngayon ay hindi epektibo. Kailangan nilang maghintay hanggang umaga.Sumang ayon naman si Alfred. Nandito na sa wakas si Leo kaya naman pakiramd
"SAYANG! WALA man lang masyadong info about sa kaniya! Ano namang ibig sabihin niyang 'H' na iyan?" reklamo ni Alfred at nailing na lang."Malay ko..." walang ganang sagot lang ni Leo."Ifollow mo na lang, dude!"Nagkibit balikat lang si Leo sa sinabi ni Alfred pero kalaunan ay sinunod din naman ni
HINDI MAIWASANG magulat ni Alfred sa sinabi ni Jasmine. Kasi ang totoo niyan, isa sa mga rason kung bakit inaadmire nila si Jasmine ay dahil hindi lang siya basta mukha o pisikal na anyo lang. Matalino rin ito. At sa lahat ng mga babaeng napalapit kay Leo, ito ang pinakanababagay talaga sa kaniya.
NAPASIMANGOT si Hyacinth sa narinig. "Anong pinagsasabi mo? Pinaglalaruan kita?" tanong niya, halatang hindi makapaniwala.Umigting ang panga ni Leo. "Sino ba kasing may nagsabi sa'yo na magsuot ka ng ganito?""Ganito? Wala namang problema sa suot ko, Leo," sagot ni Hyacinth .Bumaba ang tingin ni
MATAPOS ANG maghapong pagshoshopping nila Hyacinth at Annika, dumiretso na sila sa Nocturne Bar. Talagang plinano na lahat ni Annika.Ang hindi inexpect ni Hyacinth pagkarating sa bar ay ang makita si Leo kasama ang ilang mga kaibigan nito. "Nandito pala ang soon-to-exhusband mo at mga alipores







