NAEXCITE NA LAHAT. "Alam niyo, magandang idea kung maghotpot tayo ngayong gabi!" suggestion pa ng isa nilang kasama."Oo nga, 'no?! Perfect sa malamig na panahon iyon!""True ka diyan! Mr. Cantavieja... baka naman..." biro pa ng isa kay Leo, halatang gustong magpalibre.Alam naman kasi nila na kapag nandiyan si Leo, talagang siya na ang bahala sa bill ng lahat. Hindi naman problema iyon kay Leo."Okay," simpleng sagot ni Leo.May nahanap silang maliit lang na restaurant kung saan nagbebenta ng hot pot dishes. Naghanap sila ng mauupuan at pinili nila ang malapit sa may bintana.Ang mga ilang babae ay hinila si Hyacinth. "Dito ka sa pwesto namin, Hya..." sabi ng isa.Halatang gusto nila si Hyacinth. Parang nakababatang kapatid ang turing nila dito dahil mas matanda sila ng ilang taon. Tumabi naman si Hyacinth sa kanila.Si Ralph ay mabilis ding sumunod at uupo na rin sana sa tabi ni Hyacinth pero nagsalita bigla si Leo sa isang side ng table."Ralph, dito ka na maupo." Nakaupo na sa pi
Baca selengkapnya