"GRABE KA NAMAN! DEPENDE naman iyon sa tao, eh!" sagot ng isa nilang kasama. "Kung ikaw, tipo si Hyacinth, syempre si Mr. Cantavieja, si Jasmine naman ang tipo! Magkaiba ang ganda nila. Si Jasmine, parang sosyalin ang ganda at parang pang high maintenance lagi. Si Hyacinth naman, effortless na ganda. Kaya depende talaga!"Tahimik lang si Hyacinth habang nakikinig sa mga kasama. Hindi siya nakisali. Siguro sa mga oras na ito, magkasama pa rin sina Leo at Jasmine.Nang nasa harap na si Hyacinth at Ralph ng kanilang mga kwarto, natigilan ang lalaki at tumingin sa babae. "Magpahinga ka na saglit, Hya. Kakain na rin ulit tayo mamaya.""Sige," sagot ni Hyacinth at tinanguan ang lalaki.Binuksan ni Hyacinth ang pintuan ng kwarto at pumasok sa loob. Ilang saglit lang, narinig ni Hyacinth ang pagriring ng kaniyang phone. Tumatawag si Leo.Napatitig si Hyacinth sa screen ng phone kasabay ng pagtibok ng mabilis ng kaniyang puso. Pero bago pa man masagot ni Hyacinth ang tawag, natigilan siya nang
Baca selengkapnya