Share

CHAPTER 207: Room

Author: YULIANNE
last update publish date: 2026-09-05 09:35:05

KINUHA KALAUNAN NI Ronaldo ang remote ng TV at pinatay iyon. Sakto namang dumating si Carla bigla.

"Tulog na ba si Jasmine?" tanong ni Ronaldo sa babae.

Tumango si Carla. "Oo. Nakatulugan na lang din talaga niya ang pag iyak," sagot nito at napahinga ng malalim. "Hon, gusto talagang pakasalan ni Jasmine si Leo. Ano ng gagawin natin? Ikaw..."

Nandilim ang ekspresyon ni Ronaldo. "Anong ibig mong sabihin?" tanong nito.

Bahagyang umiling si Carla. "Wala naman. Pero alam ko ang totoo, hon. Hindi mo
YULIANNE

Disclaimer: So, as you all know, this story is purely fictional. If you notice things na wala naman sa totoong buhay like sa place na nabanggit sa part na 'to, hindi po iyon totoo. It's all in my imagination. Ayon lang. Happy reading!

| 3
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (2)
goodnovel comment avatar
Winnie Caisip
nako bkit mukang anak nng mka pangyarihan ang hambog na c jasmin pag ngyari un ay lalo syang gagawa ng masama gamit ang kanyang power at yaman c hya lng nmn ang gagawan nya ng di maganda..wag nmn sana
goodnovel comment avatar
Khai Ramos
mukang anak ng makapangyarihang pamilya pa si Jasmine ah hay
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • AFTER DIVORCE, THE UGLY DUCKLING WIFE BECAME A GODDESS   CHAPTER 207: Room

    KINUHA KALAUNAN NI Ronaldo ang remote ng TV at pinatay iyon. Sakto namang dumating si Carla bigla."Tulog na ba si Jasmine?" tanong ni Ronaldo sa babae.Tumango si Carla. "Oo. Nakatulugan na lang din talaga niya ang pag iyak," sagot nito at napahinga ng malalim. "Hon, gusto talagang pakasalan ni Jasmine si Leo. Ano ng gagawin natin? Ikaw..."Nandilim ang ekspresyon ni Ronaldo. "Anong ibig mong sabihin?" tanong nito.Bahagyang umiling si Carla. "Wala naman. Pero alam ko ang totoo, hon. Hindi mo talaga totoong anak si Jasmine."Natahimik doon si Ronaldo at hindi nakapagsalita. Kaya naman nagpatuloy si Carla."Galing sa isang makapangyarihang pamilya si Jasmine, 'di ba? Sa oras na isiwalat mo ang totoong katauhan niya, lahat ng problema natin mawawala. Tapos... mapapakasalan na rin niya si Leo!"Napatayo ng wala sa oras si Ronaldo. "Ayaw ko ng makarinig ulit ng tungkol diyan. Itatak mo iyan sa kukote mo," malamig na saad nito.Tila warning iyon kay Carla. Tumalikod na si Ronaldo para uma

  • AFTER DIVORCE, THE UGLY DUCKLING WIFE BECAME A GODDESS   CHAPTER 206: News

    SA LOOB NG TATLONG TAONG IYON, dapat nagpakasaya na lang si Hyacinth sa buhay niya. Pero bakit mas pinili nitong alagaan ang isang tao na wala namang kasiguraduhang magigising pa?Pinulot ulit ni Leo ang mga dokumento at binuklat iyon. May litrato doon na nahulog sa ilang pahina nito. Kinuha niya iyon at nakita ang picture ni Hyacinth nang nag aaral pa siya sa prestihiyosong paaralan.Nakatayo ang babae sa harap ng isang bintana sa school at nakasuot ng isang simpleng puting dress. May maaliwalas at maganda itong ngiti sa labi habang nakatingin sa camera.Ngunit natigilan si Leo nang may napansin siya. May repleksyon doon sa bintana na pamilyar sa kaniya. Nakapaskil doon ang honor roll sa klaseng iyon. At nabasa nga ni Leo ang pangalan niya... Leo Cantavieja... ang estudyanteng consistent din noon na nagrarank sa klase. At sa gilid no'n ay litrato na niya mismo. Parang nakagilid lang iyon sa pwesto ni Hyacinth na nakabitbit ng ilang libro at nakangiti.Parang dalawa na rin silang nagk

  • AFTER DIVORCE, THE UGLY DUCKLING WIFE BECAME A GODDESS   CHAPTER 205: Background

    NATAPOS NA RIN SA WAKAS ang summit. Nagpaalam na si Hyacinth kay Prof. Tiamzon bago tuluyang umalis kasama si Cassie. Babalik na sila sa dorm nila.Pero bigla na lang silang sinalubong ni Leo."Hyacinth..." bungad ng lalaki."Bakit?" tanong ni Hyacinth sa lalaki."Binabawi na kita."Suminghap doon si Hyacinth. Tama ba siya ng pagkakarinig? Binabawi na siya ni Leo? Bakas sa tono nito na gusto na lang siya ulit para sa sarili nito.Bago pa man makasagot si Hyacinth, sumating bigla si Ralph. Ngumiti ito kay Hyacinth."Hi ulit, Hyacinth. Saan ka na pupunta? Hatid na kita," offer agad ng lalaki.Pabalik balik na lang ang tingin ni Cassie sa dalawang lalaki sa harap ni Hyacinth. Parang nakaramdam siya bigla ng tensyon lalo pa at halatang gusto ng mga lalaki na sila ang maghatid kay Hyacinth.Ang tanong ngayon ay kung sino ang pipiliin ni Hyacinth?Hindi inaakala ni Leo na magpapakita ulit si Ralph. Naiinis siya dahil kitang kita niya naman na may gusto si Ralph kay Hyacinth. Halatang halata

  • AFTER DIVORCE, THE UGLY DUCKLING WIFE BECAME A GODDESS   CHAPTER 204: Anger

    ANG TOTOO, AYAW LANG talaga siyang maging mutual ni Hyacinth. Pero ang nakakainis lang, willing ito pagdating kay Ralph Juanillo na para bang matagal na silang magkakilala.Nakaramdam bigla si Leo ng tila malaking puwang sa kaniyang dibdib... na para bang may malaking parte no'n ang bigla na lang natanggal."Hyacinth!"Dumating bigla sina Lola Rebecca, Jasmine, Shaina at Carla. Pero hindi gaanong makalapit ang mga ito dahil ang area kung nasaan sina Htyacinth ay para lang sa mga VIPs. May staff na mabilis pumigil sa kanila."Excuse me po, pero hindi po kayo pwedeng mas lumapit..."Tumingin si Lola Rebecca kay Hyacinth at hindi na napigilan pa ang pagtaas ng kaniyang emosyon."Nandito lang naman ako para makita si Hyacinth ng mas malapitan! Lola niya ako! Apo ko siya!"Hindi pumasok sa isip ni Lola Rebecca na magiging ganito ang pagbaliktad ng mga nangyari. Ang apo na sinasabi niya ay itinuring niyang malaking kahihiyan sa buong pamilya Dominguez. Tapos ang totoo, isa pala itong malaki

  • AFTER DIVORCE, THE UGLY DUCKLING WIFE BECAME A GODDESS   CHAPTER 203: Single

    UMALINGAWNGAW ANG BOSES ni Hyacinth sa buong loob ng hall. Si Leo na nakaupo sa kaniyang upuan ay napatuwid na rin habang nakatingin sa babae na nasa stage. Hindi na niya maalis ang tingin niya rito.Hanggang sa nagbago ang kaniyang ekspresyon nang may napagtanto.Si Hyacinth... ang schoolmate niya noong mas bata sa kaniya... ang mysterious genius girl!Namimilog din ang mga mata nila Lola Rebecca at Shaina nang makita siya. Parehas silang hindi makapaniwala."H-Hyacinth?"Halos hindi na rin maproseso ni Lira ang nakikita niya ngayon. Hindi na siya matauhan nang may humila sa braso niyang schoolmate niya."Lira, tingnan mo, oh! Si Hyacinth!"Wala ng masabing matino si Lira habang nakapako pa rin ang atensyon sa stage. Na para bang nakakita siya ng isang bagay na napakalaking imposible.Bakit si Hyacinth pa kasi? Eh, puro tulog nga lang ang alam nitong gawin sa school, eh!Kung may pinakagulat sa lahat ng tao sa venue, sina Jasmine at Carla na iyon. Hindi na nila napigilan pang tumayo

  • AFTER DIVORCE, THE UGLY DUCKLING WIFE BECAME A GODDESS   CHAPTER 202: Hello

    PUMASOK NA RIN kalaunan sa main hall si Leo. Luminga linga siya sa paligid. Pero hindi niya makita si Hyacinth. Sinundan naman niya ito agad pero hindi man lang niya nakita kung saan ito nagpunta.Nasaan na ang babae ngayon?Binalingan ni Hyacinth ang isa sa staff ng venue at nagtanong."Sino sino ang mga napayagang gumamit ng VIP entrance?""Ah... nakareserved po siya sa mga top students ng mga iba't ibang universities po na mag aattend ng summit," magalang na sagot ng staff.Nanliit ang mga mata ni Leo. Tama naman ang pagkakarinig niya na ang tanging makakapasok lang sa VIP entrance ay mga too students.Kaya bakit napayagan si Hyacinth na gumamit doon?Bago pa man makapagtanong ulit si Leo, naunahan na siya ng staff."Sir, upo na po kayo doon. Sundan niyo na lang po ako at iguguide ko kayo."Wala namang sabing sumunod na lang din si Leo. Napunta sila sa pinaka front row. Ang pwesto doon ay sa gitna na talagang main seat sa lahat ng mga upuan doon. Ang tanging makakaupo lang doon ay

  • AFTER DIVORCE, THE UGLY DUCKLING WIFE BECAME A GODDESS   CHAPTER 02: Divorce

    "H-HAPPY BIRTHDAY, Leo. 'Yan ang gift ko sa iyo. Nagustuhan mo ba?" Tumingin si Hyacinth kay Leo ng deretso. Samantalang si Leo naman ay tila hindi man lang naapektuhan dahil nakuha pa nitong ngumisi na tila ba malaking katatawanan ang sinabi ni Hyacinth ."Ano? Dahil ba hindi ako nagcelebrate ng

  • AFTER DIVORCE, THE UGLY DUCKLING WIFE BECAME A GODDESS   CHAPTER 01: Birthday

    WALA NG MAS sasakit pa sa katotohanang malaman na ang asawa mo ay may kabit. Mapapatanong ka sa sarili mo kung ano ba ang kulang mo? Ano ba ang meron sa iba na wala ka?Nanginginig si Hyacinth habang pinagmamasdan ang mensahe mula sa kabit ng kaniyang asawa. May picture na kalakip iyon na tila nan

  • AFTER DIVORCE, THE UGLY DUCKLING WIFE BECAME A GODDESS   CHAPTER 44: Plan

    "A-ANO? PARANG nabingi yata ako," sabi ni Hyacinth at bahagyang napahalakhak upang mabawasan ang kaseryosohan ni Rui pero hindi naman umobra."Narinig mo kung ano ang sinabi ko, Hya. Gusto kitang maging girlfriend..." saad ni Rui.Bahagyang napailing si Hyacinth. "P-Pero... laking probinsya ako...

  • AFTER DIVORCE, THE UGLY DUCKLING WIFE BECAME A GODDESS   CHAPTER 105: Beg

    SIGE. ISANG SALITA LANG iyon na halos hindi mapaniwalaan ni Hyacinth kung totoo. Pero ilang segundo lang ay rumehistro na sa isip niya."Salamat, Leo..." marahang sabi niya kay Leo.Sincere si Hyacinth sa pasasalamat niyang iyon. Pero isang malamig na halakhak ang namutawi sa labi ni Leo."Hyacint

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status