Share

CHAPTER 213: Prettier

Author: YULIANNE
last update publish date: 2026-09-11 09:10:20

NAITULAK NI HYACINTH SI Leo sa dibdib niya. Mabilis niyang pinunasan ang namamaga na niyang labi dahil sa pagpapak ni Leo doon.

"Nasisiraan ka na ba ng bait?!" asik ni Hyacinth sa lalaki.

Napasandal si Leo sa bato sa likuran niya at napahilamos na lang din sa mukha. "Hinalikan mo rin naman ako pabalik, ah? Kwits lang tayo."

Napamaang na lang si Hyacinth sa sinabi ng lalaki. Hindi niya ito hinalikan pabalik! Hindi!

Sinubukan muling umalis ni Hyacinth sa ibabaw ni Leo pero mabilis siya nitong nap
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Gerllie Lomanog
zobrang tagal naman Mag update author
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • AFTER DIVORCE, THE UGLY DUCKLING WIFE BECAME A GODDESS   CHAPTER 214: Yacht

    "GRABE KA NAMAN! DEPENDE naman iyon sa tao, eh!" sagot ng isa nilang kasama. "Kung ikaw, tipo si Hyacinth, syempre si Mr. Cantavieja, si Jasmine naman ang tipo! Magkaiba ang ganda nila. Si Jasmine, parang sosyalin ang ganda at parang pang high maintenance lagi. Si Hyacinth naman, effortless na ganda. Kaya depende talaga!"Tahimik lang si Hyacinth habang nakikinig sa mga kasama. Hindi siya nakisali. Siguro sa mga oras na ito, magkasama pa rin sina Leo at Jasmine.Nang nasa harap na si Hyacinth at Ralph ng kanilang mga kwarto, natigilan ang lalaki at tumingin sa babae. "Magpahinga ka na saglit, Hya. Kakain na rin ulit tayo mamaya.""Sige," sagot ni Hyacinth at tinanguan ang lalaki.Binuksan ni Hyacinth ang pintuan ng kwarto at pumasok sa loob. Ilang saglit lang, narinig ni Hyacinth ang pagriring ng kaniyang phone. Tumatawag si Leo.Napatitig si Hyacinth sa screen ng phone kasabay ng pagtibok ng mabilis ng kaniyang puso. Pero bago pa man masagot ni Hyacinth ang tawag, natigilan siya nang

  • AFTER DIVORCE, THE UGLY DUCKLING WIFE BECAME A GODDESS   CHAPTER 213: Prettier

    NAITULAK NI HYACINTH SI Leo sa dibdib niya. Mabilis niyang pinunasan ang namamaga na niyang labi dahil sa pagpapak ni Leo doon."Nasisiraan ka na ba ng bait?!" asik ni Hyacinth sa lalaki.Napasandal si Leo sa bato sa likuran niya at napahilamos na lang din sa mukha. "Hinalikan mo rin naman ako pabalik, ah? Kwits lang tayo."Napamaang na lang si Hyacinth sa sinabi ng lalaki. Hindi niya ito hinalikan pabalik! Hindi!Sinubukan muling umalis ni Hyacinth sa ibabaw ni Leo pero mabilis siya nitong napabalik sa pwesto."Ano ba?!""Iaccept mo na 'yung follow request ko..." tila nagmamakaawang sambit ni Leo."Ayaw ko nga!"Mas hinila pa ni Leo si Hyacinth sa kaniyang kandungan at bumulong sa tainga nito. "Talagang sinusubukan mo ako, ah?" mapaglarong sambit nito.Parang nanigas bigla doon si Hyacinth. Naalala niya ang mapangahas na paghalik sa kaniya ni Leo kanina kaya naman medyo nagpanic siya bigla."O-Oo na! Ifofollowback na rin kita!" maagap na sagot ni Hyacinth.Kinuha ni Hyacinth ang phon

  • AFTER DIVORCE, THE UGLY DUCKLING WIFE BECAME A GODDESS   CHAPTER 212: Wild

    MABUTI NA LANG at nandiyan si Ralph kaya naenjoy ni Hyacinth ang zipline. Hindi siya gaanong natakot dahil sa presensya nito.Tuwang tuwa tuloy si Hyacinth at nang natapos iyon ay doon lang niya naramdaman ang aftermath ng ginawa nila. Nanginig ang tuhod niya at nang bumaba na sila, parang nawalan na siya ng balanse. Pero mabuti na lang mabuti na lang, may nakasambot sa kaniya at iniligtas siya sa dapat na pagkakabagsak sa lupa!"L-Leo?" bulalas ni Hyacinth sa pangalan ng lalaki.Hindi siya makapaniwala nang siya ang makita nito. Pero dahil biglaan ang impact no'n, bahagya silang nawalan ng balanse. Walang naging choice si Hyacinth kundi mas kumapit pa kay Leo."Kumapit ka ng mabuti!" bilin pa ng lalaki habang nakaigting ang panga nito.Sumunod agad si Hyacinth pero sa huli, bumagsak pa rin sila sa lapag. Ang ending, nasa taas si Hyacinth habang si Leo ay nasa ilalim nito. Kinabahan si Hyacinth dahil parang malakas ang impact no'n."Tumama ka ba sa bato?!" tanong pa ni Hyacinth at si

  • AFTER DIVORCE, THE UGLY DUCKLING WIFE BECAME A GODDESS   CHAPTER 211: Hand

    TILA NABLANGKO ANG isip ni Hyacinth bigla. Syempre, biglaan itong ginawa ni Leo na paghalik sa kaniya. Kakadivorced lang nila tapos may ganito ng paandar agad ang lalaki.Sinubukang labanan ni Hyacinth ang lalaki pero mabilis na nahawakan ng huli ang pisngi niya at pinag igihan pa ang paghalik. At ayaw mang aminin ni Hyacinth, may kung anong nabuhay sa loob niya dahil sa halik na dulot ni Leo.Pero natauhan naman si Hyacinth. Buong pwersa niyang itinulak si Leo. "Bitawan mo nga ako!" asik pa niya.Ang maitim na mga mata ni Leo ay nababalot na ngayon ng apoy ng pagnanasa at sinbukang lumapit ulit. Pero mabilis na sinamaan ito ng tingin ni Hyacinth."Divorced na tayo!" Sabi pa niya sa lalaki. "At baka nakakalimutan mo, may Jasmine ka!"Nang narinig ni Leo ang pangalan ni Jasmine, tila binuhusan siya ng malamig na tubig at naestatwa na lang sa pwesto. Kinuhang tsansa iyon ni Hyacinth upang mas malakas na itulak si Leo upang malayo ito sa kaniya.Tila paralisado lang si Leo sa pwesto, par

  • AFTER DIVORCE, THE UGLY DUCKLING WIFE BECAME A GODDESS   CHAPTER 210: Feisty

    LUMAYO KAUNTI SI HYACINTH at napadpad sa may malapit na hagdan. Sinagot niya kalaunan ang tawag. Si Kuya Rico niya pala iyon."Hya, nandito na ang Manila. Nasaan ka?" bungad ng lalaki sa kabilang linya."Kuya, pasensya na pero nasa Benguet kasi ako ngayon, eh. Pero babalik din naman ako diyan after ng ilang araw.""Oh, okay. Hintayin na lang kita."Nang namatay ang tawag, agad tumalikod si Hyacinth at babalik na sana pero tumama siya sa isang matigas na dibdib."Ah!" gulat na sigaw niya at nabitawan pa ang kaniyang phone. Sinubukan niyang saluhin iyon pero naunahan siya ng lalaking nakasambot sa kaniya.Napatingala si Hyacinth at bumungad sa kaniya ang gwapong mukha ni Leo sa harapan niya. Pero ano naman ba kasi ang ginagawa ni Leo dito?"Y-Yung phone ko!" ani Hyacinth at sinimangutan ang lalaki. Sinubukan niyang kunin ang phone pero itinaas ni Leo iyon kaya hindi niya agad maabot.Ano na naman ba kasi itong ginagawa ni Leo? Tumingkayad ulit si Hyacinth para tuluyang maabot ang phone

  • AFTER DIVORCE, THE UGLY DUCKLING WIFE BECAME A GODDESS   CHAPTER 209: Formalities

    NAEXCITE NA LAHAT. "Alam niyo, magandang idea kung maghotpot tayo ngayong gabi!" suggestion pa ng isa nilang kasama."Oo nga, 'no?! Perfect sa malamig na panahon iyon!""True ka diyan! Mr. Cantavieja... baka naman..." biro pa ng isa kay Leo, halatang gustong magpalibre.Alam naman kasi nila na kapag nandiyan si Leo, talagang siya na ang bahala sa bill ng lahat. Hindi naman problema iyon kay Leo."Okay," simpleng sagot ni Leo.May nahanap silang maliit lang na restaurant kung saan nagbebenta ng hot pot dishes. Naghanap sila ng mauupuan at pinili nila ang malapit sa may bintana.Ang mga ilang babae ay hinila si Hyacinth. "Dito ka sa pwesto namin, Hya..." sabi ng isa.Halatang gusto nila si Hyacinth. Parang nakababatang kapatid ang turing nila dito dahil mas matanda sila ng ilang taon. Tumabi naman si Hyacinth sa kanila.Si Ralph ay mabilis ding sumunod at uupo na rin sana sa tabi ni Hyacinth pero nagsalita bigla si Leo sa isang side ng table."Ralph, dito ka na maupo." Nakaupo na sa pi

  • AFTER DIVORCE, THE UGLY DUCKLING WIFE BECAME A GODDESS   CHAPTER 06: Initial

    HINDI MAIWASANG magulat ni Alfred sa sinabi ni Jasmine. Kasi ang totoo niyan, isa sa mga rason kung bakit inaadmire nila si Jasmine ay dahil hindi lang siya basta mukha o pisikal na anyo lang. Matalino rin ito. At sa lahat ng mga babaeng napalapit kay Leo, ito ang pinakanababagay talaga sa kaniya.

  • AFTER DIVORCE, THE UGLY DUCKLING WIFE BECAME A GODDESS   CHAPTER 05: Dropped

    NAPASIMANGOT si Hyacinth sa narinig. "Anong pinagsasabi mo? Pinaglalaruan kita?" tanong niya, halatang hindi makapaniwala.Umigting ang panga ni Leo. "Sino ba kasing may nagsabi sa'yo na magsuot ka ng ganito?""Ganito? Wala namang problema sa suot ko, Leo," sagot ni Hyacinth .Bumaba ang tingin ni

  • AFTER DIVORCE, THE UGLY DUCKLING WIFE BECAME A GODDESS   CHAPTER 04: Pull

    MATAPOS ANG maghapong pagshoshopping nila Hyacinth at Annika, dumiretso na sila sa Nocturne Bar. Talagang plinano na lahat ni Annika.Ang hindi inexpect ni Hyacinth pagkarating sa bar ay ang makita si Leo kasama ang ilang mga kaibigan nito. "Nandito pala ang soon-to-exhusband mo at mga alipores

  • AFTER DIVORCE, THE UGLY DUCKLING WIFE BECAME A GODDESS   CHAPTER 03: Dyosa

    "BUMALIK KA DITO ngayon din, Hyacinth !"Natawa lang ng mapakla si Hyacinth nang marinig ang nanggagalaiting boses ni Leo. "Hinding hindi na ako babalik sa iyo, Leo--""Shut it! Wala akong pakialam sa sasabihin mo! Bumalik ka na lang dito!""Hindi, Leo. Sa tingin mo, magkakandarapa akong babalik s

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status