Malaki ang naitulong ng pag-uusap ng mga babae kay Elisse. Kahit paano ay gumaan ang bigat na matagal nang nakadagan sa dibdib niya. Pagkatapos ng ilang oras ng tawanan, asaran, at pagpaplano kung paano pahihirapan ang mga lalaking nagpapaikot ng kanilang mundo, napagdesisyunan nilang lumipat sa game lounge na nasa ikalawang palapag ng Social Club.Pagpasok pa lang nila roon ay agad nang namangha si Elisse. Halos mukha na iyong isang eksklusibong casino—malawak, elegante, at puno ng mamahaling ilaw. May mga poker tables, roulette machines, slot games, billiard area, at pribadong lounges para sa mayayamang miyembro ng club.Mas lalong sumigla si Paula habang kumukuha ng chips sa cashier.“Girls, oras na para magsaya!” masiglang sabi nito habang hinahati ang mga chips sa kanilang lahat.“Mag-eenjoy talaga tayo,” natatawang sagot ni Taís, ngunit bigla siyang napatigil nang mapatingin sa isang poker table sa pinakadulo ng lounge.Naningkit ang kanyang mga mata.“Ay, hindi… magbabayad tala
Read more