Maagang umalis sina Elisse at Paula kinabukasan. Tahimik ang biyahe papuntang opisina, ngunit ramdam ni Elisse ang kaba at pagod na matagal nang naiipon sa dibdib niya. Kahit pilit siyang ngumiti habang kausap si Paula, hindi pa rin nawawala ang sakit na iniwan ng ginawa ni Matteo.Pagdating nila sa gusali ng kumpanya, agad silang sinalubong ng malamig na hangin mula sa lobby. Eleganteng moderno ang buong lugar—malalaking chandelier, marmol na sahig, at mga empleyadong abalang naglalakad habang may hawak na mga folder at kape.Bahagyang huminga nang malalim si Elisse.Bagong simula.Iyon ang paulit-ulit niyang sinasabi sa sarili.Pagkababa nila ng elevator sa executive floor, agad silang pinapasok ng secretary sa opisina ni Ginoong
Dernière mise à jour : 2026-05-09 Read More