Tahimik ang loob ng kotse habang binabagtas nila ang mga kalsada ng Makati. Ang mga ilaw ng siyudad ay dumadaloy sa salamin ng bintana—pula, puti, at dilaw na tila sumasabay sa mabilis na tibok ng puso ni Elisse Marquez.Sa tabi niya, si Matteo Alvarez ay nakatuon sa daan, ngunit alam niyang hindi lang ang kalsada ang binabantayan nito.Kahit walang imik, ramdam niya ang presensya nito—mainit, mabigat, at nakakagulo ng isip.Matagal na siyang sanay sa galit.Sanay siyang umiwas.Sanay siyang magtayo ng pader.Pero sa gabing ito, parang unti-unti nang gumuho ang lahat ng depensa niya.
Read more