Maagang nagising si Elisse Marquez kinabukasan. Kahit Sabado, hindi pa rin siya sanay matulog nang mahaba dahil kay Clarc Mathew. Ang kanyang anak ay parang may sariling alarm clock—laging puno ng energy sa umaga.Tahimik siyang naghahanda ng almusal sa kusina ng condominium nila sa Makati nang marinig niya ang malalakas na yabag mula sa hallway.“Good morning, Elisse, beautiful!” masayang sigaw ni Paula habang papasok ng kusina na naka-pajama pa at magulo ang buhok.Napangiti si Elisse.Si Paula talaga ay parang walking sunshine—sobrang expressive at energetic kahit kakagising pa lang.“Ay, ang pinaka-cute na baby sa buong mundo gising na pala!” masiglang sabi ni Paula habang hinahalikan sa noo si Clarc Mathew.“Maaga po ako gumising, Ninang,” proud na sagot ng bata habang kumakain ng pancake.Tumawa si Paula at kinurot nang marahan ang pisngi nito.“Mana sa nanay na masipag.”“Good morning, Paula,” natatawang sabi ni Elisse habang nagsasalin ng kape. “Mukhang sobra yata ang energy m
Dernière mise à jour : 2026-05-15 Read More